C.3

1 0 0
                                    






Bumangon ako mula sa pagkakatulog, umaga na at papasok pa ako sa work at syempre ginawa ko na ang daily routine ko, ilang araw narin ang nakalipas, tatlong araw na rin at 7 days ang binigay na time bago ang trial niya.



Mayroon pa siyang 4 days para mabuhay, wait-


Ano bang sinasabi ko, wala naman akong pake sa lalaking iyon ah, nakakainis naman.

Ilang araw akong hindi pinapatulog ng lalaking iyon, ano bang mayroon sa kaniya? sana 'wag niya akong multuhin.

-----------------


Ano bang nangyayari sa'kin, pati sa pagtoothbrush ko naaalala ko ang mukha niya.

"Kumalma ka Kexiah, ano ba kasing iniisip mo." bulong ko sa sarili habang inaayos ang mga papeles dito sa office department, "Hinga malalim Kexiah." habol ko pa, agad akong tumingin sa bio data na makikita ko dito sa computer.


It's 11:12 in the morning at nandito ako sa office para magwork, pasensya na kung ayaw akong patulugin ng curiosity ko kaya mukhang i-iistalk ko siya huhu.


*type*type

Riggs Greyson bio

Riggs Greyson
28 years old



'yun lang? ba't ito lang ang nakalagay? anong-

"Hm, PO2 Lores we have a important meeting to discuss, nag-abot na ng ipapagawa sa'tin ang nasa taas." kalmadong sambit ni PO2 Gomez na lagi kong partner in crime, agad kong inalis ang research ko at lumapit sa kaniya.


"Woah talaga, mayroon na? hihi ano 'yon?" dali-dali kong tanong dahil lagi nalang akong nasa opisina at wala akong mahawakang cases, "May new case ba?" sunod ko pa uling tanong ngunit tumingin lang siya sa akin.

"Nope, magbabantay lang sa Jail kung saan nakakulong si Riggs, I don't know ba't sa babae iyon inatas pero bahala na." walang gana niyang sambit at inabot sa'kin ang papel ng time and date ng pagpunta ko sa Jail na 'yon kasama ang address ng lugar, "Wah akala ko may important meeting to discuss tayo?" nguso kong tanong habang nakatingin sa kaniya.

"'Yan na, nadiscuss ko na ah, sige may kailangan pa akong gawin." saad nito at naglakad na paalis, ang duga naman ba't gano'n, ba't si Riggs pa!

Pero? pero gusto ko rin gawin 'to, may bagay na hindi ako mapakali kaya gusto kong malaman kung ano ang bagay na nakakapagpabagabag sa'kin.

Bukas pa ang time at 9:00 am to 6:00 pm, wah ang haba naman.

Tatayo lang ako do'n magdamag sa loob ng tatlong araw huhu, tama ayos lang 'saka hindi ko rin alam pero baka may kailangan nga talaga akong malaman kung bakit hindi ako mapakali.





_______________

Pero ang sabi nila Psycho daw si Riggs, wala namang kahit ano ang nakalagay sa bio niya ba't gano'n? hindi porque may tani na ang buhay niya hindi na nila siya kikilalanin? ang duga naman, mamamatay siya ng walang pagkakakilanlan.

Hays lutuin ko na nga ito para matapos na, may kalayuan din ang Jail kung nasaan siya kaya maaga ako pupunta, nagluto ako ng isang adobo with friend chicken at syempre nilagyan ko siya ng favorite kong leche flan with buko salad.

Ginawa ko 'to kahapon dahil naisip kong bigyan si Riggs ng pagkain, naaawa kasi ako sa kaniya baka sobra-sobra na siyang ginugutom ta's wala pa siyang makain, kahit na siya pa ang pinakamasamang tao sa mundo ay tao parin siya at tao lang din ako.

Bakit ba lubos sa'kin ang pagiging maawain.

Gusto ko na bago mawala ang isang tao sa mundo ay makatikim sila ng luto ko, hindi pa ako nakakaranas ng ganito dati kaya siguro ganito nalang ang nararamdaman ko saka sa 2 years kong pagiging police mga minor cases lang nahahawakan ko at wala namang case na sobrang ikinabahala ko.

Nakatira lang ako magisa sa apartment ko, nasa ibang lugar kasi ang parents ko at ang isa kong kapatid, nagaaral ang kapatid ko kaya sinusubaybayan siya nila mama at papa, nilipat din kasi ako ng department nung napromote ako as PO2 kaya kahit papaano ay nagbunga rin paghihirap ko, kailangan ko ngalang mawalay sa kanila.


"Chadaa ang cute ko gumawa." bulong ko, dalawang baon ang ginawa ko at isa sa'kin, minsan lang ako magka freetime ng umaga dahil nga usual umaga pasok ko kaya wala talaga akong time magluto tulad nito, nagkataon namang 9:00 am pa.


Omg 7:34 a.m na pala 'di ko namalayan,

Binalot ko na ang dalawang paper bag ang luto ko at nagsimula naring magayos.




___________

'Yon malapit narin ako sa Jail na sinabi ng address, iniisip ko palang ang itsura ng maduming kulungan ay naaawa na agad ako, kahit papaano ay deserve parin naman niyang kaawaan lalo na at death penalty ang hinatol.

Malapit narin ako, nakita ko na ang mga police sa daanan na malaking gate kaya binati ko sila, para silang hypebeast na snobber hays bahala kayo diyan.

Ang dami nila ah

Nakita ko narin ang gray na gate kaya inayos ko ang uniform ko at tumingin sa oras, 8:50 a.m "Ang aga ko pala." bulong ko.

Pumasok na ako sa gate, maraming police sa labas kaya safe naman pala ba't pa kasi kailangan kumuha ng police sa department namin hays, wala naman akong maiaambag pag nagbarilan 'no.

Malinis ang loob, ang garden ang ganda at ang daming halaman, wah sariwang hangin.

Habang hawak ko ang dalawang paper bag ay napansin ko na tahimik ang paligid, tago ang Jail na'to at ngayon lang ako nakapunta dito, dito ba kinukulong ang mga hinahatulan ng death penalty?

Sa paglalakad ko pa ay may isang Police lang akong nakita na nakabantay sa pinto kaya agad niya akong pinagbuksan, masiyado namang seryoso ang hangin huhu, ang pro kumilos ta's disiplinado.

"Thanks." banggit ko ngunit hindi ako pinansin ni kuyang mamang police kaya pumasok na ako sa loob ng gate, sa paglalakad ko ay may nagiisang gate na may dilaw na ilaw ang nakita ko, may kadiliman kasi ang paligid.



Wait lang! Ba't ako pumasok? Sa'n ba ako magbabantay?

Pero

Grabe naman pala ang lokasyon ni Riggs mukhang pinahirapan, naglakad pa ako at may naririnig akong ingay mula sa pintong iyon, bukas ang pinto at natatanaw ko ang dilaw na ilaw mula sa hallway kung nasaan ako.

Ang bilis naman ng mga pangyayari.

May kalabog akong naririnig, wait saan ba ang babantayan ko? sa'n ba ang pwesto ko? ang gulo ah ba't ba lakad lang ako ng lakad, sana tinanong ko na sa Police kanina, balik nalang kaya ako?

Ngunit sa curious ko kung saan ba nagmumula ang ingay na iyon ay hindi ko maiwasang lumapit, naglakad pa ako nang naglakad.

Malakas ang ingay at parang may pinupukpok.

Isang malawak na hallway ang nilalakaran ko.

Nasa harap na ako ng pinto kung sa'n may malakas na ingay at nagsimula na akong pumasok-











Psychotic HoneyWhere stories live. Discover now