CHAPTER 16

69 1 0
                                    


This chapter contains terms and actions that are not suitable for very young readers.

R18



"Thank you so much. I enjoy it! Na-miss ko kayong ka-bonding."

Nasa labas na kami ngayon ng Cinema nang sabihin ni Jewel iyon.

Kakatapos lang namin manood kasama namin siya dahil wala naman daw gagawin si Jewel, pumasyal lang daw talaga siya rito bago ang flight nila bukas pabalik sa Korea.

"We had so much fun with you too. I hope it is not the last time we bond again."

"Oo naman, Jino. Next time, I guess, if we visit here again, or maybe you guys visit me there instead." Natawa siya sa idea niya, but it's nice.

"Let's see. Gago, Korea 'yon!"

"Yes, Andrea. Maganda do'n so much." She chuckled. "By the way, I think I need to go na. Kanina pa ako kino-contact ni Mommy, eh."

"Oo nga, bukas nang bukas 'yong phone mo kanina sa loob."

"True, Blare. Kahit kailan mahigpit talaga si Mommy sa'kin."

"Sige na, Jewel. Salamat sa time." Nilapitan ni Ada si Jewel at bineso ito.

"Thank you too."

Sa amin naman lumapit si Jewel at nakipagbeso rin.

"Bye! See you again soon." Kumaway na siya sa'min at gano'n din kami sa kaniya.

"Grabe, 'di nagbago si Jewel 'no ang ganda pa rin. Bagay na bagay s'ya sa Korea. Mukha na nga s'yang Korean." I agree with Ada.

"She is still the same. The Math Wizard." Sabi ni Blare.

"Hindi ko nga alam ba't n'ya pinatulunan si Jino, eh."

Napatingin kaagad ako kay Ada at sinamaan siya nang tingin.

"I mean, tama si Ada."

Pinakyu ko si Blare.

"Sige pagtulungan n'yo ako... Simple lang naman ang sagot, pogi kasi ako."

Nagpogi-sign ako sabay taas ng kilay nang dalawang beses.

"My pogi."

Napatingin ako kay Mark nang hawakan niya ang bewang ko sabay higit no'n palapit sa kaniya.

"Forever my pogi." Dagdag niya.

"Itsura n'yo." Pareho sila natawa ni Blare. "Sa quant-" Hindi na natuloy ni Ada ang sasabihin n'ya ng biglang tumunog ang phone niya. "Ay! Si Mommy, wait sagutin ko lang." Tinanguan namin si Ada.

"Mom?" Bungad ni Ada. Kami naman ay nanatiling nakatayo rito, pinapanood ang mga taong dumadaan.

"Okay, pauwi na rin naman kami."

"Bye, Mom," Ibinaba na niya ang phone niya sabay tingin sa'min. "Guys, mommy needs to talk to me right now. I don't have any idea what it is yet, so shall we go now?"

"Oo naman. Tara na, anong oras na rin."

Taxi ang sinakyan namin pauwi.

Sobrang halaga siguro nang paguusapan ni Tita at Ada. Hindi naman tumatawag si Tita kapag nasa galaan si Ada or else may emergency at kailangan si Ada.

"Kuya, pwede po ba deretso na hanggang bahay namin?" Tinanguan ni kuyang driver si Blare nang tanungin niya 'yon. Katabi siya ng driver, kaming tatlo ang nasa likod. Ako ang nasa gitna si Ada at Mark ang nasa gilid ko.

A Diamond Between UsWhere stories live. Discover now