CHAPTER 11

2 1 0
                                    



tw: physical fight, blood


Phone loud ringing

Nagising ako bigla dahil sa tunog na iyon.

Ang lakas ng ringtone ko! Muntik na ako mahulog sa kama dahil sa gulat bago ko nasagot ang kung sino man iyong tumatawag.

"He... he...hello," mayamaya ay nakaramdam ako ng lamig, nakahubad lang kasi ako. "Blare w-wait lang nilalamig ako. Ano ba iyon? Napatawag ka ng ganitong oras."

Napatingin ako sa orasan, 7AM pa lang ng umaga!

[Gumising ka na d'yan. Ngayon 'yong party ng friend ko.]

Fuck! Oo nga pala, may party kaming pupuntahan ngayon.

"Anong oras ba?" nakatalukbong ang kumot ko sa buong katawan ko dahil nilalamig talaga ako. Hindi ko mapatay 'yong aircon dahil malayo sa'kin iyong remote.

[9PM pa naman start pero aalis tayo ng 12PM baka kasi ma-traffic tayo papunta roon.]

Halata sa bibig niya na kumakain siya.

"Ah, ganoon ba. Okay, sige salamat. Baba mo na."

Agad akong tumayo at kinuha ang remote ng aircon para patayin iyon. Nanginginig akong pumunta sa CR. Pagkapasok ko sa loob binuksan ko kaagad 'yung shower at in-adjust iyon para uminit. I feel relieve ng maramdaman ang init ng tubig.

Pagkatapos ko mag-shower ay nagbihis na ako.

I'm wearing an orange shirt and black shorts.

Pagkababa ko nagulat ako dahil nasa sala si Blare at Ada kumakain habang nanonood ng TV. Si Ada nasa sofa, si Blare naman kumakain habang nasa sahig nakaupo.

"Tangina nandito na pala kayo?"

Tinabihan ko si Ada sa sofa at nakikain ng kinakain niya.

"Surprise! Bitch!" Pinakyuhan ako ni Ada.

"Dito na kami dumiretso. Naabutan pa namin sila Tita at Tito na umalis."

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Blare.

"Nakalimutan ko. Aalis nga pala sila Mommy ngayon."

"Tulog na tulog ka nga raw noong naabutan ka nila kagabi." Tinanguan ko si Blare.

"Oo, daming ganap kahapon. By the way, kanina pa kayo dito?"

Tumayo ako at pumunta sa kusina para tumingin nang iba pang pagkain.

"Oo." Sagot ni Blare sa akin.

"So..." na-realize ko na nandito na sila noong tumawag si Blare sa akin kanina.

"Yup, tama ka d'yan hihi!" Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Pinakyu ko naman siya.

Mga sandali lang din ay nag-aya na silang maligo. May dala silang gamit at iyon ang susuotin nila para sa party mamaya. Pinauna nila ako maligo, dahil alam nilang mabagal ako kumilos.

"Si Mark daw ang magda-drive sa'tin papunta do'n."

"Okay, Blare."

Tinanong ko kasi sa kaniya kung paano kami pupunta roon at iyon nga ang sabi niya. Si Mark ang magda-drive.

"Pasok ka na."

Iyon nga ang ginawa niya, pumasok siya sa loob ng CR dito sa kwarto para makaligo na. While me, still debating what I will wear today. Naka-boxer pa lang ako at wala pang damit na kahit ano.

A Diamond Between UsWhere stories live. Discover now