CHAPTER 70

21 1 0
                                    


tw: guns, curse, physical fight, abuse


JOSH MARK CROSS


"Love,"

Kumunot ang kilay ko ng hindi niya ako pansinin. He is sitting on the sofa watching the Disney channel.

"Baka wala lang sa mood." Tinanguan ko si Andrea, baka nga.

Napangiti ako sa naisip ko, nasa mood na 'yan mamaya. Nagmadali akong dumiretso sa kusina para dalhin ang mga pinamili namin nila Ate Maxine kanina, medyo madami rin 'yon.

Nang mailagay na namin sa kusina ang lahat nang pinamili namin, pinagpahinga na kami ni Ate Maxine ni Andrea. Si Andrea ay dumiretso roon sa kwarto niya habang ako ay dumiretso kay Jino. I back hugged him with a smile on my face and kissed his cheek, but still he didn't even give me a smile or response. May sakit ba 'to?

"May sakit ba 'yang mahal ko?" Finally, he faced me, so I immediately held his waist and pulled him closer to me.

"I'm okay." Wala siyang emosiyong umiwas nang tingin sa akin at tinanggal ang kamay ko sa bewang niya.

"Love, kausapin mo ako." I embraced him.

Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Bumalik lang kami galing market naging ganito na 'to? I am trying my best para magpapansin sa kaniya, hinalikan ko siya sa pisngi niya, pinisil-pisil ko rin iyong matambok niyang pisngi, nagkuwento rin ako ng kung anu-ano pero wala pa rin. Naninibago ako.

"Love, alam mo ba kanina. Proud na proud si Ate Maxine kay Andrea kasi kaya na niya mamili at kumilatis ng mga pagkain. Tawa nga kami nang tawa kanina kasi, nabauhan siya sa amoy ng bawang, e, 'di ba mahilig siya sa bawang? Pero kanina nabauhan siya, love."

Pagkuwento ko sa kaniya, pero hindi pa rin niya ako kinikibo. Nagwo-worry na ako, okay naman kami nitong nakakaraang araw, lalo noong after ng finals namin.

"Love," ngumuso ako. "Mahal ko... Jino ko..." ayaw niya ako pansinin. "Asawa ko." Napangiti ako nang harapin na niya ako, "Yie... Asawa-"

"Tapos ka na?"

Nawala bigla ang ngiti ko nang marinig iyon sa kaniya.

"Hala, galit ka? I'm sorry, love." Pinilit ko siyang humarap sa akin nang iiwas niya ang tingin sa akin, pero bigla siyang tumayo, nagtaka ako lalo sa kinikilos niya.

"Alis lang muna ako, Mark."

Mark? It sounds different. Parang may tumusok na kung ano sa dibdib ko nang marinig iyon mismo sa kaniya.

"Please, love... If there's something bothering you, let's talk about it." Kumunot ang kilay ko nang tumingin siya sa labas ng bahay. He looks scared and worried? Tumayo na ako saka ko hinigit ang bewang niya papalapit sa akin.

I placed my other hand on his back head, "May problema ba? Bakit ka natatakot? Nandito lang ako, hindi kita iiwan. Hindi ka nila sasaktan." I hugged him even tighter, but the moment I wrapped my whole self around him, I heard him start crying.

"Hangga't kasama mo ako, mahal, hinding-hindi ka masasaktan ng kung sino man ang mga iyon." I felt his hug tighten and his cries grow louder in my chest.

"I love you... I love you, Jino." Huminto na siya sa pag-iyak kaya hinarap ko na siya, nginitian ko siya pero nawala rin iyon ng wala siyang emosiyong tumitig sa akin. Walang liwanag sa mga mata niya.

It's dark, so dark... Bakit siya ganito ngayon?

"Alis muna ako saglit."

Maglalakad na sana siya paalis nang hawakan ko ang palapulsuhan niya saka ko siya iniharap sa'kin ulit. May luha pa rin sa mga mata niya kaya hinawakan ko ang mukha niya saka ko inilagay ang thumb finger ko roon sa under eye lid niya para punasan lahat ng luhang lumabas sa kaniya.

A Diamond Between UsWhere stories live. Discover now