Chapter 7

35 6 1
                                    

Nakita ako ni Rain na masayang nakikipag-usap kay Zach. She politely pulled me away and reprimanded me kung bakit daw alak na ang nasa kamay ko kahit di pa ako kumakain. At kung bakit nakikipag-usap na naman ako sa isang obvious na bad boy.

"Don't tell me binigay mo na ang number mo?"

I pursed my lips. Yeah, I did. Ewan ko, lasing na siguro ako.

"Oh my gosh! Jaz!" Napahilamos siya sa mukha.

"Bakit? Di ba sabi niyo maghanap na ako nang iba?"

"Yes, but not a bad boy. Not again!"

Dumating si Mitch at ganoon din ang opinyon niya. Okay lang naman daw na maghanap ako ng bago, basta wag lang bad boy na naman.

Siguro di na nga ako natuto. Kasalanan ko ba kung yun ang mga type ko?

Tiyaka, tumatak kasi sa isip ko ang sinabi ni Drake na kaya hindi pa ako nagkakaboyfriend ulit ay dahil di pa ako nakakamove on sa kaniya.

Then maybe if I actually start laying my eyes on someone else, I could actually move on.

Like a petty child, I cried. I think the alcohol is beginning to take over me.

"Hayaan niyo na lang muna ako. This is my way of coping."

My friends fell silent. I guess they understood. Pinaalalahan lang ako ni Rain na huwag ko daw hayaang masaktan na naman ang sarili ko.

I just nodded. I know I shouldn't let myself get hurt again. Those three months of coping isn't easy. And it's still not over.

~~***~~

That Zach guy actually texted. Sineryoso niya rin ang pag-add sa akin sa FB.

I accepted it. There's no reason not to.

Zach:
Hi Dysme.

Kumunot ang noo ko sa tinawag niya saking pangalan. Hindi ako nakareply agad kasi may niluluto ako. At mukhang galit na yung mantika.

I checked my phone again. May text na naman siya.

Zach:
Sorry ayusin ko
Hi Jazmine

Me:
Hi

Simpleng reply ko.

Zach:
Punta ka mamaya sa Jargon?

Me:
Hindi. Weekday eh.

Zach:
Oh, so you go on weekends?

Me:
Minsan lang din.

Minsan na lang talaga. Nilimit ko na ang pagclubbing at pag-inom ngayon kasi narealize ko baka makasama sa atay ko.

Zach:
Ah kitakits na lang. Haha.

Hindi na ako nagreply. I don't want my reply to sound forced.

Zach is fun to talk with, based on our conversation doon sa party ni Kei. But I just don't feel like talking to another guy right now.

Hindi naman ako naghahanap ng spark. Ayoko lang talaga.

Tinapos ko na lang yung niluto ko saka kumain at pumunta sa school. Hindi early ang first subject ko tuwing Monday. Kaso walang vacant. Kaya I needed to eat in advance. Mamayang 4pm pa ang dismissal ng last subject. Bibili na lang siguro ako ng snacks mamaya in between.

After my last subject for the day, bumaba na ako mula second floor. May klase pa sina Mitch and Rain. I guess I'll go home first na lang. Itetext ko na lang sila na nakauwi na ako.

As I was making my way to the parking lot, bigla na lang umulan. I looked for my umbrella inside my bag. Pero mukhang naiwan ko pala sa room kasi ginamit ko yun kanina.

The Boy Next Door (Ikalawang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon