Chapter 11

41 4 2
                                    

"Sorry, natagalan ako," I say nang makalapit ako.

"Okay lang." Ngiti na naman siya. Hindi ko pa ata siya nakitang nairita o nagalit ever.

"Wala bang nakaupo?" I asked, pointing at the seat across him.

"Meron...ata. Dito ka na lang," turo niya sa upuan sa tabi niya. "I can't teach you properly if you're across me."

Oh, oo nga naman.

I sat down the seat next to him.

"Uy, sure ka okay lang sayo na magpaturo ako?"

"Oo nga. Kulit."

Pati yung tono ng "kulit" niya hindi tunog naiirita. Ang cute pa nga pakinggan eh.

Di na lang ako nagtanong pa. Baka mas lalo siyang makulitan at magbago pa isip niya na tulungan ako.

"So, anong topic ba ang gusto mong ipaturo?"

"Uhm, wait..."

Kinuha ko ang notes niya para iscan kung saan nga ba ang di ko maintindihan.

While I was flipping the pages, napansin kong nakatingin sa amin ang iilang kababaihan sa sunod na table. Kilala ko sila kasi mga kabatch namin. Mga Arki students din.

Napatingin naman ako sa katabi ko, checking if napapansin ba niya ang mga nakatingin sa kaniya. Pero parang hindi. Baka sanay na siyang pinagtitinginan ng mga babae at ngayon, naubusan na siya ng pake.

Pero ako, may pakialam ako. Baka kasi mag-assume silang may something sa amin lalo pa't di naman kami masyadong close ni Raph in the first place.

Ayoko lang na magsimula ng issue. Baka umabot kay Rain at mamisunderstand pa niya.

Teka, nag-ooverthink ako. Ie-explain ko na nga lang kay Rain if ever. Bakit kasi di siya tumuloy ngayon eh. Operation tulak ko pa naman sana 'to.

"Ah, dito na part," sabi ko nang sa wakas ay nakita ko na ang topic na di ko din masyadong maintindihan.

He discussed that topic to me pati na ang ibang topics na related doon. I was too engrossed with the tutorial at di ko namalayan na lampas isang oras na pala ang lumipas. Humupa na ang mga tao sa library kasi magsasara na ito.

"Sana marami kang natutunan sa tinuro ko," Raph said when we ended.

"Super! Kaya thank you talaga. Wag kang mag-alala, libre kita ng burger diyan sa canteen. Para naman makabawi ako."

"Kahit wala nang burger. Ipasa mo lang ang subject."

"Hala, napressure naman ako. Pwede burger na lang?"

He laughed a bit. May mas ilalalim pa pala ang dimples niya.

"Well, if you insist...gutom na rin ako."

Lumabas na kami ng libary and as promised, I bought him a burger from the canteen.

"Here," I handed it to him. "Canteen burger lang muna. Kapag pumasa ako, Army Navy na. O mas bet mo Zark's?"

"Promise?" Nagningning ang mga mata niya.

"Oh, akala ko ba sabi mo no need na ng burger. Ba't naexcite ka ata sa Army Navy?" biro ko.

"Libre din kasi. Di ako makatanggi."

"Tch."

"But I don't think what I taught you a while ago was enough for another burger. I'd have to teach you more. Para sure pass. Sure din ang Army Navy ko."

"Wait. Tuturuan mo pa ako? Ang dami mo nang naturo sa akin kanina."

"That was just about a quarter of the whole coverage for the finals."

The Boy Next Door (Ikalawang Pinto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon