Chapter 36: Para-paraan

2.4K 31 0
                                    

twin

Chapter 36: Para-paraan

Acee's POV

Makaraan ng araw ng bisita ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Ajae ay umuwi na din kami nun kinagabihan , bukod sa walang bali at likod ko o anumang buto ko, pahinga lang daw naman ang kinakailangan ko. Kahit ba na libre kami sa ospital na yun dahil sa Papa ng kababata namin ni Ajae may ari nun eh , mas masarap pa din talaga sa kama ko humiga at manuod ng TV habang kumakain ng burger , pizza, at ng soda! :3 yummy! :) Pang two days ko na din dito sa bahay. Wala na namang masakit.

Pero eto pa din kami ni Ajae hindi nagpapansinan. Ewan ko sa kanya kung ano ang dahilan nya basta ako meron. ayst! nakakahiya talaga kung aalalahin ko! =_______=

Naiilang ako pag nakikita ko. Nagtatago talaga ako sa kanya at hindi na muna sya dito natutulog sa kwarto. dun sya sa sala. Tas pag lalabas ako ng kwarto sumisilip muna ko. Para kong sira! Na parang may kasalanan na ayaw makita. Kulang na nga lang pag lumalabas ako ng kwarto maging invisible ako eh.

Ngayon nandito kami sa sala ni mama nanunuod. Kain lang ako ng kain ng kanin at ulam. Sarap eh. Ayst! kahit anong sarap talaga ng ulam pag may dinadamdam ka o may iniisip hindi ka talaga makakakain!

Tayo tuloy ako tsaka punta sa kitchen at lapag sa table ng kinakain ko. Balikan ko na lang sya mamaya. Kumuha naman ako ng nova at zesto sa kabinet at sa ref. Oo sa zesto XD si mama mahilig dun eh. Argh.

Umupo ulit ako sa sofa at pilit iniintindi ang pinapanuod. Nakakahawa kasi si Mama tutok na sya koreanovela.

"Ayst." sabay baba ko ng zesto sa table.

"Problema mong bata ka?"

sabay pause ni mama sa dvd player.

"Po?" taka ko naman.

"Nako baby ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan ah?"

"Ah, tanong ko lang po Ma kung sino kumuha sakin sa loob ng cr?"

"Nako ang tagal na nyan uh? May masakit pa ba sayo? Hindi ko ba napapansin? Kasi sobrang busy ko sa kapapanuod ng Gentleman's Dignity at  Rooftop Prince?"

"HUH???!!"

"Sorry anak uh. Tara dalhin kita kay doc Ajlie."

 "Ma, ano ba. Hindi na noh. Ang lakas lakas ko na oh?"

sabay tayo ko sa sofa at tumalon talon.

Kaya ko na nga kasi sarili ko eh.

"Hahahahaha!"

"Ano ba Kuya baka naman mahulog si Baby."

"Di naman Ma, sasaluhin ko yan pag nahulog kahit bang taba nyan. HAHA!"

natawa naman si Mama dun at sabay play ulit sa dvd player.

"Osya wag na kayo dito at ako'y nanunuod. Mas gusto ko pang manuod mag isa."

"Sge po ma." sagot ko naman. Errrr si Ajae ba't nya ginawa yun?Di ko pa nga natatanong si mama eh.

"Kuya bitbitin mo na 'tong kapatid mo."

"Sige po."

______________

Im In Love with My Twin Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon