Chapter 50: Nick

2K 21 3
                                    

50

Chapter 50:

Nick's POV

Ngayon ko na lang ulit nakitang galit na galit si Ajae. Noon kasi maliliit pa kami nung may nagtulak kay Acee dahilan para madapa sya.

Patapos na sana kami ni Ajae ng biglang nagpasukan pa ang ibang Red Scorpion, na mga hindi taga dito sa school. Na mortal na kaaway ng kagrupo namin.

"Bakit may mga nakapasok na outsider dito?!" sigaw ko sabay tulak sa isa sa kanila dahilan para tumama ito sa pader.

Nagulat naman ito ng biglang may dugong tumulo mula sa ulo nya.

"Pare lumabas na muna tayo sa school." bulong ko kay Ajae.

Nasa gitna kami ngayon ng mga sampung member nila na ang iba ay nasa likod pa nila.

Tumango lang sya bilang sagot sabay bato namin ng basurahan sa isang nakatalikod sa sink sabay sipa ni Ajae dito dahilan para masira ang sink sa lababo sabay takbo namin palabas at saktong dating naman ni Laicram.

P*tcha dumating pa.

"Takbo Tol. Labas muna tayo ng school." sabi ko sa kanya habang tumatakbo.

Wala naman makakakita samin na naghahabulan na parang may mag nanakaw na huhulihin dahil UNA, nasa klase at ang lahat, PANGALAWA, nakasarado ang mga pintuan nila At PANGATLO nasa corridor lang kami MALAYO sa mga classroom.

"OO." matigas na sagot nya.

Nagtalunan kami sa bakod ng school at nagpatuloy lang sa pag takbo papuntang bakanteng lote.

"Game!" sigaw ko sabay harap namin tatlo sa kanilang lahat, mga 30 na ata sila ngayon.

"Psssssh." sabi nung pinaka leader nila na binasagan ng mukha ni Ajae kanina.

"Laicram?!" sigaw naman ng isa sa kanila

Napatingin si Laicram sa tumawag sa kanya sabay iwas ng tingin.

Im In Love with My Twin Sister (COMPLETED)Where stories live. Discover now