Chapter 3- Unang Araw

893 33 2
                                    

STEPHEN'S POV


"Si Dad?" tanong ko sa isang maid namin.


"Maaga pong umalis sir. May shooting daw po kasi siya." sagot nito.


Huh. Shooting? My ass. If I know pupuntahan niya nanaman ang walang kwentang babae na 'yon. That's why I really hate him. I hate him for being a foolish man. A dumb, idiot, lahat na ng mga masasamang salita isusumbat ko sa kanya.


Hindi na ako kumain at dumeretso na ako sa garage ko para kunin ang kotse ko. Magkikita kita pa kami ng mga ungas para sabay ng pumasok sa Anderson's University. At dahil unang araw namin umaasa kami na wala munang gulo, pero alam ko na imposible.


Sumakay na ako ng kotse at pumunta sa tambayan.


"What took you so long?" Pagdating ko kumpleto na sila. Ako nalang pala ang hinihintay. Kaya naman si King Lawrence panay ang panrereklamo.


"Masama na bang ma'late?" natatawa kong tanong.


"Oo masama. Lalo na kung isang oras kang late." he said while looking at his wristwatch.


"Haha. Bakit atang atat kang pumasok ngayon Rence? Wag mong sabihin na—"


"Manahimik ka kung ayaw mo masira ng maaga yang pagmumukha mo."


"Wag naman, ito na nga lang ang aking puhunan." Puchang Jeffrey to, di naman halata na idol niya yung fliptopper na si Sinio ba yun? Ang baduy niya talaga.


Habang nagtatalo sila naisipan kong mag yosi nalang muna.


"Tama na nga muna yan Stephen." inagaw ni Dexter ang sigarilyo ko, "di na talaga ako magtataka kapag nagkasakit ka sa baga. Tsk. Tsk." tinignan ko siya ng masama, "boss alis na ba tayo?" Tanong niya kay Lawrence.


"Oo tara na."


Kaya ayun, kanya kanyang sakay kami sa mga kotse namin.


LAWRENCE POV




"Hahahahahahahaha! Section Z?! Seryoso ka ba? Hahahaha!"


"Oy Lawrence tumigil ka nga." Saway ni Philip.


"Alam niyo naman big deal na sa kanya yan." Sabi naman ni Jeffrey.


"Sarap upakan oh." Sabi ni Stephen.


Napahinto ako sa pagtatawa at tinignan sila ng masama, "Hoy! Di ba kayo natutuwa? Eh mas matalino naman pala tayo sa mga unggoy na yun eh!"


MEET THE GANGSTERSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora