Chapter 4- Badtrip

492 10 4
                                    

Lawrence POV

"San ka ba nanggaling, Philip? Kanina ka pa namin hinahanap." narinig kong tanong sa kanya ni Jeffrey.

Nandito nga pala kami ngayon sa likod ng school kung saan may maraming puno. Dito rin madalas tumatambay ang mga etstudyante sa tuwing vacant time. So andito kami sa ilalim ng isang puno. Nakaupo at badtrip pa rin sa mga nangyari kanina. Napasulyap ako kay Stephen. Naka upo siya ng naka open legs. Nakataas naman ang dalawang tuhod niya. At sa magkabilang tuhod niya naka patong naman ang magkabilang kamay niya habang nakayuko. Nabadtrip ata yan sa sinabi nung pangit kanina.

"sa library lang." Sagot ni Philip at humiga sa tabi ko. Parehong nasa ulo namin ang mga kamay namin.

"Woah. Kailan ka pa napamahal sa mga libro, Philip?" Kahit kailan iba talaga mang asar 'tong si Jeffrey.

"Natulog lang yan, malamang." Singit ni Dexter sa usapan.

"Yes, coz I'm really tired." bumuntong hininga si Philip at ipinikit ang mga mata niya.

Napatingin ulit ako kay Stephen. Tangina, hindi ako sanay na ganyan ang kumag ang na yan. Kapag nakita ko ulit ang pagmumukha ng Jones na 'yon, humanda siya sa akin!

Umupo ako, "Wanna have some fun?" At dahil sa sinabi ko nagkatingin sina Dexter at Jeffrey. Agad namang naiangat ni Stephen ang kanyang ulo at si Philip naman, ganun pa rin, naka pikit pa rin.

"What kind of fun, rence?" Jeffery asked then he grinned.

Ngumuso ako habang tumataas baba ang kilay. Tumingin ako kay Stephen, "Hey Stephen! Sa club mo. Tara!" Nauna akong tumayo.

"Woah! That's why I like you, Rence!" Tumayo na rin si Jeffrey at inakbayan ako.

"Sandali, diba may mga klase pa tayo?" Tanong ni Dexter at agad siyang inupakan ni Jeffrey, "Aray ko!"

"Kailan ka pa naging mabuting estudyante? Hahaha!" Natatawang tanong ni Jeffrey sakanya. Lumapit ako kay Dexter at inakbayan siya.

"You know Dexter in our group, we have this one motto." inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at sinabing "It's better to break the rules sometimes." Pagkatapos ay hinawakan ko ang puwet niya. Hahahaha.

"Oraaaaaayt!!!!"

(Stephen's Club)

"Woah! Ang daming chicks!" sigaw ni Jeffrey habang naglalakad kami papasok ng club. May sarili na kaming puwesto dito kaya hindi na kami mahihirapan pa.

"Hi Lawrence!" Bati sakin ni Amber sabay kapit sa braso ko. Well, she's one of my girls. "I missed you so bad." Hahalikan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"Mamaya na." I said. Iniwan na namin siya at pumunta na kami sa puwesto namin.

"What do you want guys? Tequila? Whiskey? Tell me." tanong ni Stephen.

Ngumisi ako, "Lahat."

"Wait ano?" Nanlaki ang mga mata ni Jeffrey, "akala ko ba magpapalipas oras lang tayo dito?" Tanong niya.

"Haayy!" Inunat ko ang katawan ko at sumandal sa inuupuan kong couch, "Let's get crazy tonight." I smirk at him.

"Baliw! Hahaha!" inupakan ako ni Jeffrey.

Umorder na si Stephen na maiinom namin. Dahil club niya 'to, libre lahat. Kilalang kilala na rin kami ng mga tao dito.

"Hi boys!" bati ni Maurice, isa sa mga babae ni Stephen, "Can I sit beside you, Stephen Avila?" malanding tanong nito.

"Sure." sagot ni Stephen sabay kindat kay Maurice. Mabilis na dumikit si Maurice sa kanya at agad na kumapit si bisig nito. Pambihira. Iba talaga ang charisma ng kaibigan ko. Hahaha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MEET THE GANGSTERSWhere stories live. Discover now