MTG: Chapter 1- Simula

1.8K 48 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: Pasensiya sa mga bad words guys :3 Sa mga bata,wag gayahin ah? Salamuch :*

LAWRENCE POV

Putang inang buhay naman ito oh! Anong petsa na ba? Hindi pa dumarating yung mga unggoy eh! Susunduin pa namin ang magaling kong ate. Ate ko na kokontra nanaman sa lahat ng gagawin ko!

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan yung mga unggoy.

"Hoy letse! Anong oras ba kayo dadating? Asan na ba kayo?" Sigaw ko doon sa kabilang linya.

[Chill ka lang Boss. Malapit na kami jan sa airport. Bat pa kase kailangan kaming apat isama?] Reklamo ni Dexter.

"Utos ng magaling kong ate eh! Hayaan niyo na,hindi na niya ako makokontra ngayon." Hindi na talaga. Huh,tignan natin.

[Asa ka pa! Takot na takot ka nga doon eh!] Singit pa ni Jeffrey. Haiisst! Kahit kailan talaga!

"Hiindi na ako bata,ulol! Sige na bilisan niyo na bago pa ako mainip dito.Bye!"

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang inis! Bat pa kasi kailangan umuwi ng magaling kong ate. Nakakainis talaga na buhay ito!

Ako nga pala si LAWRENCE ALCANTARA. Isa akong basagulero,adik ika nga ng iba. Wala akong pakealam sa mga tao sa paligid ko.Wala akong awa sa mga taong napag'iinitan ko. Isa akong bayolenteng tao. Mahilig sa gulo. Laging nambubugbog. Laging umiinom at laging naninigarilyo.

Yan ang nag'iisang LAWRENCE ALCANTARA.

Wala akong problema dahil lahat naman ng gusto ko,nakukuha ko. Mayaman naman kami eh! Kaya wala na akong kailangan pang problemahin.

"Boss!" At mabuti naman dumating na sila (_ _")

"Grabe ang daming chix ah!" Sabi ni Stephen. Babaero eh,wag na kayong magtaka. Mas masahol pa yan kesa saakin.

"Puro ka chix!" Sabi ni Dexter sabay sapak sa ulo nito.

"Ewan ko sainyo! Mas mabuti pang hanapin na natin yung magaling kong ate."

Naglakad na ako papunta sa may arrival area. Naaaksaya lang oras ko dito eh! May pupuntahan pa ako! Tsk.

Sila nga pala ang mga kalahi kong "GANGSTERS", Oo tama kayo isa nga akong Gangster. Magulo ang mundo namin,pati na rin ang mga buhay namin. Pero kahit ganun,di kami papatalo sa lahat.

Iba kami sa lahat.

"Huy Rence! Mukhang na'miss mo ata ang ate mo ah? Bat nagmamadali ka?" Asar talaga kahit kelan 'tong Jeffrey na ito. -_-

"Ang sabihin mo na'miss ang sermon ng ate niya. Tsk." Isa pa 'tong Philip na to. Minsan na nga lang magsalita,nakakainis pa ang sasabihin!

"Pwede tumahimik kayo? Sakit sa tenga eh!"

"Hindi ka na nasanay boss! Hahaha." Lagot sa akin mamaya 'tong Dexter na to.

MEET THE GANGSTERSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant