Forgiveness ( chapter 60 )

5K 95 8
                                    

Pareho kaming natameme ni Miranda,pareho naming hindi napansin na masyado na palang napalakas mga boses namin nakalimutan naming may kasama pala kaming bata sa kwartong ito. 

Agad naglakad si Miaranda papunta sa bata at niyakap ito.  " Sshh.. babe your dad and I are not fighting we're just talking. "  Malambing na pang aalo nito.

" But why both of you is shouting. You said bad yung nag-shu-shout. " Inosenteng sagot nito, napabaling nalang si Miranda ng tingin sakin mukhang nagpapatulong kung pano paliwanagan ang bata.Lumapit na rin si Aaron kay Sky at tulad ni Miranda lumuhod din siya upang makapantay ang anak. May naisip siya upang maibaling ang atensyon nito.

" Baby alam mo bang may pool dito na pang bata ? nakita mo na ba ? Talagang sinadya naming yung ipalagay noon. Plano kasi namin ng Mommy   para yun sa magiging baby namin. " Tanong niya. Namilog naman ang medyo singkit nitong mga mata. 

" Really my pool for kid dito ? " Masaya nitong tanong tumango naman kaming dalawa ni Miranda.

" Gusto mo pumunta dun ? 

" Yes! yes! daddy, pero karga mo po ako please. " Nagpapa cute pa ito kaya ang inis na nadarama ko kay Miranda ay biglang naglaho. Kinarga kuna si Sky pero bago kami lumabas ay bumulong na muna ako kay Miranda.  " We'll talk later. " Sabi ko tsaka lumabas na sa kwarto. Masaya namang pumalakpak si Sky halatang excited ito sa swimming pool.

" I love you baby. " Bulong ko sa tenga ni Sky bago hinalikan ang kanyang noo. I saw her smiling widely

"  I love you too dad and mom to. " Maliksi nitong sagot. 

Nandito kaming tatlo sa master's bedroom. Tulog na si Sky habang nakatitig si Miranda dito. Nakasandal lang ako sa ding-ding habang tinitigan silang dalawa,napapangiti nalang ako ngunit nawawala naman yung ngiti ko pagnaalala ko ang ginawa ni Miranda sa'kin. 

" Bakit Miranda ? " Wala sa sarili kung tanong. 

Tumingin naman siya sakin at nakikita ko sa mga mata niya na himihingi siya ng pang unawa sa nagawa niya.  " Aaron please mag-uusap tayo. Pero pwede bang huwag mo akong sumbatan sa lahat. "  Pagmamakaawa niya..

" Okay, okay. Pero sabihin mo sakin ang lahat. " Pagsuko naman niya.

" Dun nalang tayo sa labas mag usap baka magising si Sky. " Mahinang sabi ni Miranda tumango naman si Aaron at nauna ng lumabas nang kwarto. Hinalikan naman muna ni Miranda ang noo ng anak bago sumunod sa asawa.

" Nung umalis ako dito 5years ago hindi ko alam na nagdadalang tao na pala ako. Wala naman kasi ako nararamdamang kakaiba sa katawan ko kaya magta-tatlong buwan kuna nalaman na buntis ako, that time masaya na akong nata-trabaho sa kompanyang pinapasukan ni Kuya sa U.S. tahimik lang na nakinig si Aaron gusto man niyang sumabat ay hinayaan nalang muna niya si Miranda na pagpaliwanag sa lahat.

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon