Perfect Stranger ( chapter 40 )

2.8K 73 12
                                    

YESHUA WE  FINALLY  MEET AGAIN!!!... 


I freeze for a moment nang makita ko si Jacob na naka ngiti sakin.  He's the same Jacob na naging crush ko noon,hangga ngayon ay wala parin siyang pinagbago,  Jacob is Tall dark and handsome na yun ang katangiang hanap ko noon,kaya ko siya naging crush.

Pero di ko lang alam pagdating sa ugali niya,dahil nga madali lang naman siyang nawala noon. Compare to Aaron magkaiba talaga sila maputi kasi si Aaron,at may pagka chinito pa ang Asawa niya, 

" Sa titig mo sakin Yeshua halatang namiss mo ako masyado. " Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita siya, wait what he just said' namiss ko siya ? Grrr... the nerve, feeling naman ata siya masyado. Dati kahit magyabang siya ay wala akong pakialam,pero ngayon ewan parang nakaka inis ang kayabangan niya.

" I'm sorry inalala ko lang mabuti yung mukha mo,sobrang lalim na kasing nakabaon e,di kuna kayang halungkatin. Limot na limot na kasi kita, Jacob. "  

he's smile full of sarcasm na parang sinasabi niyang masyado naman ata akong apektado sa pagkawala niya,  " Oh,anyway have a seat. " He said at pinag hila pa ako nang upuan. 


" Naka order na pala ako nang makakain natin,alam ko parin naman yung mga paborito mong pagkain. " Nagulat naman ako sa sinabi niya,pano naman niya nalaman ang mga paborito kong pagkain na ni minsan hindi kami naka pagdate back then. Kong nag uusap naman kami sa school di naman siya nagtatanong  sa mga hilig ko.

" I can't remember na nasabi ko sayo ang mga paborito kong pagkain, ni hindi nga tayo madalas mag usap noon right ? Posible namang natanong mo noon sakin,dahil hindi ko talaga maalala. "  I said nakita kong medyo nag iba naman ang kanyang mukha,at  yung ngiti niya kanina ay napalitan ng kaba. 

What's with him. Dahil kahit ako naguguluhan na sa kanya,after a very long time,bigla bigla nalang siyang nagparamdam,for what ?

" A-aahh ka-si na-tanong ko noon s-sa k-kuya mo. " Nauutal niyang sagot na mas lalong kinakunot ng noo ko. Alam kong magkaibigan sila ni Kuya,pero di naman sila gaano ka-close noon. At hindi naman siguro siya magtatangkang tanungin kuya ko about me,dahil kilala nila ang kuya ko pag ako na pinag uusapan. 

Napatango nalang ako,tatanungin ko nalang si Kuya about this, " So how are you Yeshua, It's been what ? 7 years but look at you ganoon ka parin sa Yeshua'ng nakilala ko noon, you still pretty,not just pretty  you're a beautiful lady now. "  Kong dati siguro niyang sinabi to baka naglumpasay na ako sa kilig. 

Pero ngayon,ni kunting kilig ay wala ang makapa." Thank you for the compliment. " I just said at yumuko nalang di parin kasi ako komportable sa presensya niya, at kinakabahan din ako,na ewan ko kong bakit. Para kasing may hindi magandang mangyayari magkatapos nito.

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon