Things are different now ( chapter 45 )

3.9K 90 9
                                    

Simula nang  tumira si Miranda sa Kuya niya ay araw-araw ring dumadalaw si Aaron sa anak,  pumasok na ulit siya sa trabaho dahil useless lang naman kong tatapusin pa niya ang kang leave,wala rin naman sa bahay ang mag-ina niya. 

Bago pumasok sa trabaho at umuwi sa kanilang bahay sa gabi ay dumadaan muna si Aaron sa Bahay nang kuya ni Miranda,pero kahit ilang ulit na siyang dumalaw ni minsan ay hindi pa niya nakikitang muling ang asawa mula nang umalis ito sa bahay. 

Sinasadya nga niyang late nang umaalis upang makita ang asawa,pero bigo lang siya,laging katulong lang ang may hawak sa anak tuwing darating siya,tuwing tatanungin naman niya ang kinuhang yaya ng anak niya kong nasan si Miranda laging sagot nito ay nasa kwarto lang po Sir. 

Hapunan na nang dumating siya sa bahay nang Kuya ni Miranda, natraffic kasi siya kaya ginabi na siya. Nakita niya ang Asawa sa living room na karga karga ang anak nila at mukhang pinapatulog nito. 

" Uhhmm " Pukaw niya dito nakatitig lang kasi ito kay Parker habang hinihile ang anak. Nakita niyang nag angat ito nang paningin. " Huh! Andyan kana pala. Akala ko di ka makakadalaw ngayon kaya patutulugin kuna sana si Parker. " She said na muling tinitigan ang anak di kasi niya kayang titigan ang asawa dahil maiiyak lang siya. 

She miss her husband so much,at natatakot siyang kapag magtatagal niya itong titigan ay mapatakbo nalang siya papunta dito at yakapin ng mahigpit ito., Kaya sa tuwing dadalaw ang asawa sa anak ay hindi siya nagpapakita,alam niya kasing galit parin ito sa kanya. Palilipasin na muna niya ang galit dito bago niya kausapin ito nang masinsinan.

 Nang lapitan ni Aaron ang mag-ina ay halatang umiiwas si Miranda medyo na taranta pa ito. " A-ah I-ikaw na muna bahala kay P-parker akyat lang ako sa taas. "Nauutal na sabi nito habang pinapasa ang anak sa kanya, Napatango nalang siya. 

Napabuntong hininga nalang si Aaron habang tinitigan ang likod nang asawa na paakyat na ngayon sa taas. Excited pa naman siya kanina nang makita niya ito pagpasok palang niya, akala niya makakausap niya ito nang matagal,ngunit sa inasta nito mukhang iniiwasan parin siya nito. 

 Naupo nalang siya sa couch at pinanggigilan ang anak nang halik sa buong mukha. " Na miss ko ang Baby Parker ko.  How's your day with your Mom my love ? " Pagkausap niya sa anak na patuloy parin niyang hinahalikhalikan. 

Hindi niya namalayan na dumating na pala ang Kuya ni Miranda, at nakatingin lang rin sa kanila. " Mukhang enjoy na enjoy kayo ah. "  Naupo naman siya nang tuwid ng magsalita ang Kuya ni Miranda,kahit ilang beses na silang magkita nito mula nang lumipat si Miranda sa bahay nito ay ilang parin siya kay Jerold. 

We must say Goodbye ( COMPLETED  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon