Chapter 51-3. Nasaan ka Ellie-sa?!

28.9K 253 14
                                    

PRESENT DAY!

Ellie surrendered on her seat feeling exhaustion dawning on her. Sobrang nakakapagod pala ang buhay empleyado!! She let her now-long black hair sprawled around her office desk. Oo, mahaba na ang buhok niya. Yung dating short-boyish hair na mahal na mahal niya, wala na ngayon. At kahit anong pilit sakanya ng mga kaibigan… ng mga kapatid o magulang niya… they can’t make her step near a salon.

Ayaw na niya ng short hair!! Allergic na siya dito!! Basta ayaw niya ng mga bagay na makakapagpaalala sakanya ng mga nakakainis na bagay!!

She needed CHANGE. Yes, and for once in her life, Eleonor Malicsi Dimaculangan begged for a change in herself.

And her hair… it was the start… she made it grow for a reason…

to forget.

Naglabas siya ng Sky Flakes at parang ninja ang dalaga na tumingin sa paligid… CLEAR!! Pwedeng-pwede kumain. Tatakpan niya yung isusubo niyang biscuit ng panyo… maaaring wala ngang tao sa paligid, pero nakatutok naman sakanya yung video camera!! Sa lahat naman kasi ng kumpanyang mapapasukan niya… doon pa talaga sa may batas na BAWAL KUMAIN SA LAMESA!! Ultimo uminom ng tubig BAWAL!! But it will take more than just a rule to STOP Eleonor from eating!! Minsan nga nung wala ang lahat ng boss, kala mo pyesta sa table niya!! Kulang na lang mag-hain siya ng lechong baboy with matching isang bilaong pansit luglog!! Hahaha.

“Eleonor!!” Biglang sigaw ng lalaki niyang boss – yun ay kung lalaki ngang talaga. Mabilis na naitago ni Eleonor yung plastik ng sky flakes sa drawer niya sabay LUNOK. “Natawagan mo na ba yung suppliers? We need one month preparation for this client!! We can’t afford to screw this up!!”

Ellie thinks na itong boss niyang si Ricky was still confused about his sexual orientation.  Mainitin kasi ang ulo niyan, panay ang pitik ng mga daliri at kung maglakad ee dinaig pa si Beyonce sa pag-kembot ng hips nito.

Ellie rolled her eyes before facing her boss, removing all the remnants of Sky Flakes in her mouth. Natutuwa nga sakanya yung ibang ka-officemates niya. Kasi kabago-bago ni Ellie, tapos first work pa niya pero wala itong takot na sumagot o makipag-biruan kay Ricky Valderama. “Kahapon ko pa natawagan, Sir. Ako nang bahala diyan!” She grinned reassuringly. Dios mio, kung alam lang nila… nung college nga siya lagi niyang sinasagot mga prof niya ee, boss pa kaya? Haha.

“Alright.” His voice became warm. “Just make sure na darating yung shipment nila on time.”

Ellie smiled. “Opo sir. Yaan niyo, pag hindi dumating. Pasasarado ko na sila!!”

Napangiti si Ricky and left without another complain.

“Haaaaayyy…” Ellie sighed, back to her usual bored state. Nawalan na din siya ng gana ubusin yung natitirang Sky Flakes niya.

Siguro nagtataka kayo, dapat accounts ang hawak ni Ellie… well, kaka-promote lang niya last week. Tulad ng pinredict niya dati… she’ll easily get promoted in this company. At totoo ngang nangyari yun. Now, she’s involved in the operational side of the business. She no longer needs to focus on the books. Ngayon dumadaan na sakanya yung mga bagong shipped na goods, lahat ng deliveries hawak din niya, yung dami ng report niya dati as an accounting assistant ee mas trumiple pa, she needs to give a monthly report to the Finance Head of the company, pati na din sa Vice-President… and now, she was given the task to handle a very important client. “Animales…” She muttered gravely ng maisip niya yung patong-patong na reports na naghihintay sakanya.

She glanced on the digital clock on her computer. It now read, 1:00 PM. Ilang oras pa hihintayin niya??? GAAAAAH!! Bakit naman kasi hinayaan niyang ma-promote siya agad? Pakerrr, ngayon parang kailangan pa niyang mag-overtime!! Tsk.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Where stories live. Discover now