2- HEIR

56 5 0
                                    

CHAPTER 2

Habang pabalik si Waem sa kinauupuan ay hindi niya maiwasang mapaisip sa nangyari sa washroom. Bumuntonghininga siya at marahan na umupo sa kinauupuan. Napansin ni Lax ang hindi maipintang mukha ng dalaga kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"What's with that face?" he ask boredly.

Waem look at him and pouted her lips. "I saw him at the washroom, avoiding their people."

"Why?"

"I don't know." Waem avoided her eyes.

Hindi niya alam kung bakit may nag-uudyok sa kanya na huwag sabihin dito ang buong nangyari sa washroom.

But Lax know her more. Alam nito kung kailan siya nagsasabi ng totoo at hindi o may tinatago siya o wala. Sa lakas ng pakiramdam nito ay baka kahit isang sulyap lamang nito sa kanya ay agad na nitong alam. Lax shook his head at hindi na siya kinulit pa. Magsasalita pa sana ito nang magsalita ang MC.

"Please, welcome our beloved Don Salvatore Falcone for his message!"

Sabay na napatingin ang dalawa sa unahan nang lahat ng taong naroon ay tumayo. Dahil hindi naman masyadong nakikita ang puwesto nila ay hindi na sila tumayo pa. Sumenyas ang Don na maupo na ang lahat. Para itong hari ng lahat na sa bawat salita nito ay walang pag-aatubiling susundin ng mga ito.

Even though they are far, Waem feel the authority and the powerful aura from Don Salvatore. Seryoso itong tingnan ang mga naroon. Doon nakita ni Waem ang dahilan kung bakit ito naging Mafia King ng mga Falcone. Nakita na ni Waem ang lahat ng Falcone maliban kay Don Salvatore dahil na din sa kanyang ama.

Simula nang umalis siya ng mansiyon ng Moretti ay hindi na niya inalam pa ang tungkol sa mga kalaban ng kanyang ama. But she's regretted it when she saw the Don. Ngayon ay napagtanto niyang kakaiba ito sa ibang kapamilya nito. Kahit ang tingin nito ay ramdam niya na agad ang pangangatog ng mga tuhod niya.

"Ladies and gentlemen, esteemed members of our honored families, and loyal associates," nang dumagungdong ang boses nito ay halos magtayuan ang balahibo ni Waem.

It's so serious, cold...and dangerous at the same time. Halos hindi na gumalaw si Waem sa kinauupuan niya. Pakiramdam kasi niya ay sa kanya nakatutok ang paningin nito.

Matatalim na para bang bigla ka na lamang susunggaban ng hindi mo nalalaman. Na para bang kaya nitong patayin siya kapag gumalaw man lamang siya.

'Did he know?' Napalunok si Waem habang nakatingin dito.

"Today marks a momentous occasion, isang pagbabago sa mga talaan ng ating tanyag na kasaysayan. It is with a mix of both profound gratitude and bittersweet sentiment that I stand before you as Don Salvatore Falcone, the patriarch of our esteemed family, on the eve of my retirement from the throne of this vast empire." Nang maramdaman ni Waem na nakatingin sa kanya si Lax ay dahan-dahan niyang nilingon ito. Seryoso lamang ang itsura ng kaibigan niya kaya nagtataka siyang lumapit dito.

"W-Why?" Naitikom niya ang bibig ng mautal siya.

Hindi ito sumagot ngunit nang unti-unting bumaba ang tingin nito ay sinundan niya ng tingin. Doon niya nakita na halos madurog na niya ang kamay nito sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi niya napansin na nakahawak na pala siya rito. Mabilis niya iyong binitawan.

Wrath of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon