1

52.1K 649 58
                                    

NAPAIGTAD sa gulat si Amanda nang makarinig ng pagkabasag ng plato mula sa kusina ng bahay nila. Hinugasan niya ang kamay na puno ng sabon dahil sa paglalaba bago pumasok sa loob. Naabutan niya doon ang asawa na si John, halatang kakagising lang ng lalaki. Nakakalat naman sa sahig ang basag na plato. Inis na ginulo nito ang sariling buhok. Tumalim ang tingin nito sa kanya ng makita siya.

"Hoy Amanda! Patahimikin mo nga iyong lintik na anak mo sa itaas. Bwiset, kanina pa iyak ng iyak!" tumalikod ito at naglakad palabas ng kusina.

"S-saan ka pupunta?"

Tumingin ulit ito sa kanya. Bakas ang pagkainis sa mga mata ng lalaki. "Sa labas na ako kakain. Linisin mo iyang mga kalat dyan. Patahimikin mo na rin iyong anak mo at nakakabulahaw na!" walang lingon-likod na itong umalis pagkatapos sabihin iyon sa kanya.

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay nila, marahan niyang binuhat ang isang taong gulang na anak na umiiyak, si Julian. Umupo siya sa couch na nasa loob ng kwarto, tinignan niya kung basa na ang suot na diaper ng anak. Mukhang gutom lang ang anak niya kaya umiiyak. Inililis niya ang damit at bra na suot saka pinasuso ang anak. Tumigil naman ito sa pag-iyak.

Hindi niya maiwasang maiyak habang hinahaplos ang mukha ng anak. Naalala kasi niya ang inasta sa kanya ng asawa bago ito umalis. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ni John.

Disiotso anyos lang siya nang magkakilala sila ni John, disinuebe naman ang lalaki. College student pa lang sila noon, magkaklase sila dahil parehas sila ng kurso. Hindi naman kasi sila naabutan ng K-12 program ng gobyerno kaya maaga sila naka-graduate ng college. Sabay rin silang nakapasa sa licensure examination.

Nagtrabaho siya sa bangko bilang accountant. Ganoon din si John pero sa ibang bangko nga lang. Hanggang sa nag-confess ito sa kanya na gusto siya nito. Gusto rin naman niya ang lalaki kaya pumayag siya na ligawan siya nito. Hanggang sa naging sila. John was her first boyfriend, first kiss, una sa lahat ng bagay, kahit sa sex.

At her twenty-first birthday, nag-propose na sa kanya si John. Masyadong mabilis, but what can they do? Mahal nila ang isa't-isa. Nagpakasal sila ng lalaki, civil wedding.

Nakapagpundar sila ng sariling bahay at lupa dahil sa ipon nila. Na-promote si John sa bangkong pinagta-trabahuan nito kaya nakabili na rin sila ng sarili nilang sasakyan.

Akala niya perpekto na ang lahat. Masaya sila ni John hanggang sa malaman niyang buntis siya. Akala niya matutuwa si John pero kabaligtaran ang naging reaksyon ng lalaki. Nagsimula ito manlamig sa kanya.

Nagalit rin ito sa kanya. Pinagbintangan pa siya nitong nanlalalaki na hindi naman niya kahit kailan na ginawa. Simula noon, palagi nang late umuuwi si John. Kung hindi galit, lasing naman ang lalaki. She tried to reach out to him, ask him kung meron at ano bang problema but he's always shutting her off. Palagi siya nito tinataboy.

Pagkapanganak niya kay Julian, napilitan siya mag-resign sa trabaho niya. Wala naman kasing ibang mag-aalaga sa bata. Ulila na siya sa magulang, wala siyang ibang kamag-anak. Ayaw naman ni John na kumuha sila ng kasambahay. Ang biyenan naman niyang lalaki na tatay ni John, nasa probinsya sa Tarlac. May malaking poultry farm kasi doon ang lalaki.

She wanted their marriage to work. Pero minsan, napapaisip din siya na masyado ba silang nagmadali ni John? Dapat ba hindi muna sila nagpakasal?

At dahil mahal niya si John, tiniis niya ang mga masasakit na salita na ibinabato sa kanya ng lalaki. Dumarating na nga rin sa punto na nasasaktan na siya ng pisikal ni John. Martir na kung martir, pero wala eh. Mahal niya ang lalaki. At ayaw niyang lumaki si Julian na hindi kumpleto ang pamilya nila. She doesn't want him son feel incomplete and unwanted. Kaya hanggang kaya pa niya, titiisin at iintindihin niya si John.

ClandestineOnde histórias criam vida. Descubra agora