12

33.9K 651 81
                                    

HALOS isang buwan rin nanatili sa Maynila si Amanda kasama ang anak niya bago sila nagdesisyon na bumalik sa Tarlac. Hindi na niya tinanggihan ang alok ni John na ihatid silang mag-ina dahil mas mahihirapan lang nga sila kung magko-commute pa sila.

Hapon na rin nang makarating sila sa farm ni Gener. Tinulungan siya nito ibaba ang ilang mga gamit nila ni Julian. "Hindi na ba papasok sa loob para kausapin ang tatay mo?" tanong niya kay John. Umiling ito.

"Hindi na muna siguro, iba ka, iba si dad. Hindi yun madali magpatawad tulad mo kaya baka bugbogin lang ako 'nun. Pero bago ako pumunta ng Canada, dadalaw ulit ako dito sa inyo. Saka, nagpapasundo rin si Beatrice, sasabay na raw siya sa akin paluwas ng Manila."

Nanunudyong tinignan niya si John, ang Beatrice kasi na tinutukoy nito ay ang boss nito na lagi rin nila napag-uusapan simula nang magkaayos sila ni John. "Uy, pumapag-ibig ka na, ha?"

Natatawang ginulo nito ang buhok niya. "Baliw, sige na pasok na kayo. Galingan mo ha? Gusto ko babae naman ang susunod na kapatid ko."

"Siraulo, naka-pills na ako! Sige na nga at lumayas ka na, baka naghihintay na rin ang love of your life mo."

Nagpaalam sila sa isa't-isa, saka niya inihatid ng tanaw ang sasakyan nito. "Tara na Julian? Baka excited ka na rin makita ng daddy mo?" pagkausap niya sa anak. Huminga siya ng malalim saka niya pinindot ang doorbell sa gate.

Ilang sandali pa, pinagbuksan sila ni Manang Rosa na gulat na gulat pa nang makita sila. "Amanda! Diyos ko, salamat naman at nakabalik na kayo rito ni Julian!" tuwang-tuwa saad ng matanda. Agad siya nitong tinulungan magbuhat ng ilang gamit na dala niya.

"Kumusta na po kayo, manang?" aniya habang inaakay sila nito papasok ng bahay.

"Aba'y ayos lang. Nagtataka nga ako nang makabalik si Gener mula sa bakasyon mag-isa lang siya. Naikwento niya sa akin na bumalik pala kayo ng anak mo sa Maynila."

"May mga inayos lang ho ako, manang." nilingon niya ang paligid, hinanap niya si Gener pero hindi niya ito makita. "Si Gener po manang?" doon niya naalala na hindi pala niya tinawag na 'Daddy Gener' ang lalaki tulad ng nakasanayan niyang tawag dito kapag nakaharap sila sa ibang tao. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi.

"A-ahm, ang ibig ko hong sabihin--"

"Huwag ka na mahiya sa akin hija, alam ko naman na may namamagitan na sa inyo ni Gener. Si Gener pa? Eh kilalang-kilala ko ang lalaking 'yon, halata naman kung paano ka niya tignan."

"H-hindi po ba kayo galit sa akin, manang? Nakipagrelasyon po ako sa dati kong biyenan."

"Naku, bakit ba ako magagalit? Ikaw naman talaga ang gusto ko para kay Gener. Dati pa ako nagpaparinig sa inyo, hindi mo ba iyon nakuha? At isa pa, sino ba naman ako para husgahan ka? Gusto niyo lang naman ang isa't-isa."

Nakahinga siya ng maluwag kahit papaano. Hindi niya kasi alam kung may mukha pa siyang maihaharap sa matanda kung magagalit at huhusgahan siya nito.

"Si Gener pala, nasa farm pa ngayon. May nagkasakit kasi na baboy kaya sinamahan niya yung beterinaryo para asikasuhin iyon. Uuwi na rin iyon maya-maya."

Inakyat niya sa kwarto si Julian. Inasikaso muna niya ang anak saka siya nagpalit ng damit galing sa mahabang biyahe. Buti na lang at madaling nakatulog ang anak niya, dahil siguro sa pagod.

Bumaba na rin siya para tulungan si Manang Rosa na maghanda ng hapunan. Ilang sandali pa, narinig na niya ang sasakyan ni Gener na pumasok sa bakuran ng bahay. Sabik na naglakad siya papunta sa pinto para salubungin ito.

Pero napawi ang ngiti niya nang makitang may kasama itong babae. Magandang babae. Pinagbuksan pa nito iyon ng pintuan katulad ng lagi nitong ginagawa para sa kanya. Nagtatawanan pa ang mga ito.

ClandestineWhere stories live. Discover now