11

33.7K 549 84
                                    

HALOS hindi makapaniwala si Amanda sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ni John? Baog ito?

"J-John, kung sinasabi mo lang ito para i-discourage ako at idinadahilan lang ito para hindi tanggapin si Julian-"

Tumayo si John, walang-lingon likod itong umalis, pagkabalik nito may dala nang envelope ang lalaki. Inilapag nito iyon sa harap niya. "Tignan mo. Basahin mo."

Nanginginig na binuksan niya ang envelope. Kinuha niya ang mga papel na nasa loob. Puro medical test result iyon tungkol sa sinasabi ni John at paternity test result nito kay Julian.

"Nagpa-test ako noong magtaka ako na after one year of marriage natin, hindi pa rin tayo nagkakaanak. I know you, hindi ka gumagamit ng kahit anong contraceptives at hindi rin ako gumagamit ng condom kapag nagse-sex tayo. Kaya nung na-kuwento ko iyon sa kaibigan ko na doktor, he suggested na magpa-consult at test ako. So I did.

Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko na baog ako. Parang paulit-ulit tinapakan ang pagkalalaki ko. Lumiit ang tingin ko sa sarili ko, Amanda. Kung iniisip mo na baka gawa-gawa ko lang iyan o pinadoktor ko, nagkakamali ka. Pero sana nga ganoon na lang eh, pero hindi. Nagpa-second, third opinion, ako sa iba't-ibang specialist pero ganoon pa rin ang resulta. Kung hindi ka pa rin kumbinsido, handa ulit ako magpa-test, ikaw na bahala mamili ng doktor at ospital."

"Kailan mo iyan nalaman?"

"Pagkatapos ko malaman na buntis ka, doon ko nakuha ang unang test results ko."

"K-kung ganoon, sino sa tingin mo ang ama ni Julian? Dahil sigurado ako, John. Never akong nag-cheat sa'yo o kahit manlalaki kagaya ng lagi mong ibinibintang sa akin, alam mo kung gaano kita kamahal." naluluha niyang tanong kay John.

"Si dad. Siya ang tatay ni Julian."

Parang sinabugan ng bomba ang tapat ng tainga ni Amanda sa sinabi ng lalaki.

"Remember noong twenty-third birthday ko? Nagkaroon ng party dito sa bahay, right? Bumaha ng mga alak. Maaga kang nagpaalam sa akin na aakyat ka na sa kwarto dahil nahihilo ka na dahil hindi ka naman sanay mag-inom. Then saka dumating si dad noon para batiin ako at bigyan ako ng regalo. One of my workmates brought a...party drug. Inihalo niya 'yun sa mga alak. But I swear, hindi ko alam iyon. Hindi ko alam na nakainom pala 'non si dad, pati ikaw.

Ang natatandaan ko, nagpaalam 'non si Dad sandali na magbabanyo pero hindi na siya bumalik. Hindi ko na kasi siya pinabyahe pauwi ng Tarlac dahil alam kong lasing na rin siya kaya sinabi ko sa kaanya na dito na lang sa bahay natin matulog. Nakipag-inuman lang ulit ako sa mga katrabaho ko. Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos, sa living room na ako nakatulog. Nang magising ako kinabukasan, pinilit ko umakyat sa kwarto natin but you know what saw? It's dad, kakalabas lang niya sa kwarto natin.

Nang tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya sa kwarto natin, ang sabi niya nagkamali lang siya ng bukas ng pinto dahil akala niya banyo iyon, hindi ko na iyon masyado inisip dahil wala nga namang sariling banyo sa guest room ng bahay. Pumasok ako sa kwarto natin, you only wearing one of my shirt at wala kang underwear. Again, hindi ko na iyon pinansin dahil iyon naman talaga ang suot mo madalas kapag natutulog tayo kaya hindi na ako nagduda."

Tuluyan na si Amandang napahagulgol. Nang gabing iyon na birthday ni John, buong akala niya ay asawa niya ang nakasiping niya, hindi pala, kundi ang biyenan niya si Gener. Kaya rin pala masyadong kakaiba ang pakiramdam niya ng mga panahon na iyon.

"P-papaano ka nakakasiguro sa mga sinasabi mo?"

"I calculated how old Julian is, then I checked the copy of CCTV footage on that night. Doon ko nakumpirma na sa kwarto nga natin pumasok si dad noong gabing iyon at umaga na siya lumabas. Pwede ko iyon maipakita sa'yo."

ClandestineWhere stories live. Discover now