Kabanata 29

44.6K 616 213
                                    

Kabanata 29

Tainted Image

Today is the last day of filming. Everyone yelled cheerfully and clapped their hands when the photographer and videographer announced that we were done. We were able to complete the shoot successfully despite weeks of absolute stress and exhaustion. They'd also congratulated me on a job well done, and I reminded them that they'd put in a lot of effort for this shoot as well. That's why we were able to make it through.

"Lahat ay sasama dapat! Walang uuwi o magdadahilan na may pupuntahan. Celebration na rin natin ito dahil natapos din tayo sa wakas." Sigaw ng head ng marketing department.

Nagkayayaan kasi ang lahat na mag bar para makapag-unwind matapos ang dalawang linggong mahigit na shoot. Everyone was really stressed and exhausted because when Icen didn't like the outcome of something, we had to work hard to change it according to how he wanted it, which meant that we all had to start all over again.

When it comes to work, Icen is very meticulous and serious. He wants everything to be perfect, even the smallest things. He always wants everyone to work at their best because he only accepts high-quality work. And after only a few weeks of working for him, I realized he was really difficult to please.

Inabot din ng ganon katagal dahil kahit kaya ko pa naman ay hindi nito hinahayaan na tuloy-tuloy lang kami sa pagshoshoot. Palagi ako nitong pinagbebreak ng mahabang oras. Nakakahiya dahil nasasayang ang oras ng lahat pero hindi naman sila makaalma dahil si Icen pa rin naman ang masusunod.

Nagtalo pa ang mga ito kung saang bar magpupunta pero sa huli ay napagdesisyunan nilang sa malapit na lang na bar magpunta para hindi hassle sa byahe.

"Miss Samonte, bawal tumanggi, ah? Kailangan mong sumama dahil ikaw ang star of the night natin!" Sulyap sa akin ng isa sa mga naroon dahil kanina pa ako tahimik.

Wala na sana akong balak pang sumama sa kanila at gusto ko na lang umuwi para makapagpahinga dahil napagod talaga ako sa makailang take para sa videoclip kanina.

"Oo nga! Sumama kana! Minsan lang naman ito, Miss Samonte." Sigunda nang head ng marketing sa tono na hindi ako pwedeng humindi dahil hindi nila ako titigilan.

Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang kaya naghiyawan sila. Natawa naman ako sa mga naging reaksyon nila dahil ang iba ay napasuntok pa sa hangin.

"O, sige na! Mag ayos na kayo para makaalis na tayo. Friday ngayon kaya malamang maraming nagkalat na yummy bachelor roon! Sa mga single d'yan, magsilandi na kayo mamaya." Payo ng baklang photographer na naglalagay na ngayon ng foundation sa kanyang mukha.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito at sumang-ayon sa kanya. Ang iba nga ay nagsimula na ring mag ayos ng kanilang mga sarili.

Binalingan naman ako ng tingin ng babaeng malapit sa akin.

"We will go to the restroom to freshen up. Want to come with us?" She offers after getting her pouch inside her bag that looks like a makeup kit.

Tumanggi naman ako dahil hindi naman na ako mag-aayos pa. Okay na ako sa itsura ko dahil hindi ko naman binura ang ginawang makeup sa akin ng makeup artist.

"Hindi na. Okay na ako. Thanks." I refused politely.

Tumango naman ito at niyakag na ang tatlo pang babaeng kasama.

"I told you she would refuse you. She's feeling entitled just because she's close to our boss. If I know, she's just using her face and body to attract wealthy men to get her for the big projects." Bulong ng isa sa mga kasama ng babaeng nagyaya sa akin.

"Naghirap kasi kaya ganyan, kapit sa mga lalaking mayayaman. Ang alam ko rin kaya niya lang pinakasalan ang asawa niya dahil sa pera. Oportunista talaga."

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora