Kabanata 4

33.8K 592 223
                                    

Kabanata 4

Reyalisasyon

Pagdating namin sa mansion ang unang sumalubong sa akin ay si Donya Celeste. Katulad ng dati ay pusturang-pustura ito. Mabilis niya akong nilapitan at sinuri.

"I heard what happened, hija. Are you alright? Nagmamadali akong umuwi dito nang mabalitaan ko ang nangyari sayo." Aniya habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. She even held my hands.

Tipid akong ngumiti kay Donya Celeste. I really appreciate her concern.

"Nothing to worry about. I'm good, Donya Celeste. Pinalabas din po ako after maging maayos ang pakiramdam ko." Paniniguro ko sa kanya.

Umiling siya.

"Kumain ka daw ng pagkain ng mga trabahador kaya na food poison ka? Si Marian daw ang nagluto." Nag-iba ang kanyang ekspresyon at tono ng boses nang sabihin iyon.

Umiling ako pero mabilis akong naunahan ni Israel na sumagot para magpaliwanag. Tumutol sa sinabi ni Donya Celeste.

"Allergic siya sa pagkaing dinala ni Marian kaya nagkaroon siya ng allergic reaction. Walang may gusto sa nangyari sa kanya, Lola." Depensa niya kay Marian.

Maarteng pinaikot ni Donya Celeste ang kanyang mga mata at hinarap ang apo. Hindi makapaniwala na mas kinampihan pa nito si Marian kesa sa kanya.

"Huwag mo ng kampihan pa ang babaeng iyon! Baka sinadya niya talaga ang lahat ng nangyaring ito kay Sianna! Napansin niya kasing sobrang nagiging malapit na kayo sa isa't-isa! She's jealous, hijo!" Paratang niya kay Marian.

Gusto kong sagutin at sabihin kay Donya Celeste na napakaimposible ng sinasabi niya. Kailan pa kami naging malapit ni Israel? Ni hindi ko nga nakakausap ang apo niya at hindi ko rin nakakasama dahil laging mainit ang ulo sa akin ni Israel sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Nagsisimula pa nga lang akong gumawa ng paraan para mapalapit dito pero sa hospital naman ang kinabagsakan ko.

Sasagot na sana ako para sabihin na tama si Israel na walang kasalanan si Marian sa nangyari sa akin nang matigilan ako. Nagulat ako nang makita ko si Marian na nakatayo sa likod ni Israel. Sabay ata silang pumasok ni Xavier. Alam kong narinig niya ang lahat ng sinabi ni Donya Celeste patungkol sa kanya. Bigla akong nahiya dahil doon. She doesn't deserve those accusations.

Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha nang lumakad siya palapit sa akin at hindi binigyan pansin si Donya Celeste. Nakita ko ang gulat sa mukha ng Donya nang makita siya pero mabilis ding umismid.

Tiim ang bagang ni Israel pero mabilis rin na lumambot ang kanyang ekspresyon nang malipat kay Marian ang kanyang mga mata.

"I'm sorry for what happened, Sianna. Hindi ko alam na allergic ka pala sa seafoods. Alalang-alala si Papa sayo. Pasensya na daw sa nangyari." She apologized as she looked at me worriedly.

Mabilis akong umiling sa kanya. Wala silang kasalanan.

"No, please, don't say that. Huwag kayong humingi ng tawad dahil wala naman kayong kasalanan. You all didn't know that I'm allergic to those foods. It was my fault. Hindi ko tinangihan ang alok niyo kanina kahit alam kong allergic ako sa mga iyon dahil nakakahiyang tumangi sa pagkain. I'm really sorry for causing trouble. Please tell your father that I'm fine at wala siyang kasalanan." Mahabang paliwanag ko.

Ngumiti naman siya at tumango. Mukhang nakahinga ng maluwag nang malaman na hindi ko sila sinisisi.

"Maraming salamat. Mauna na ako. Pumunta lang talaga ako dito para makita kung maayos kana. I'll go ahead, Donya Celeste." Paalam niya kay Donya Celeste bago tuluyang lumakad paalis nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Israel.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora