Dos

90 9 0
                                    

Isang pangit na nilalang sa simula,
Inaayawan ng maraming madla,
Nagsisimula pa lamang siya,
Ngunit narito't kinukutya na.

Nang siya'y unti-unting lumaki,
Lalong inayawan ang munti.
Kulay nitong napakaganda,
Naging kayumanggi't parang tuyu na.

Makalipas ang ilang panahon,
Itong kinukutya ay umahon—
Umahon sa hirap at naging maganda,
Pinupuri na siya ng madla.

Ngunit huli na pala talaga,
Ang paruparong dating kinukutya,
Ilang araw lang ang tagal niya,
Kay gandang nilalang pinahirapan nila.

Kay tagal niya bago mamukadkad,
At ganoon katagal siyang ‘di pinalad.
Nang siya'y namukadkad,
Tinanggap siya nang buong palad.

Noong siya'y munting bata pa,
Kinaiinisan ng madla,
Ngunit nang siya'y bumukadkad
Papuri'y taos palad.

Bakit ganoon?

Sa unang araw lang nakilala,
Kutya na agad ang pinakikita?
Hindi muna tingnan,
Ang magandang dala niya.

Mapanghusgang mga mata,
Sana'y kayo'y tumigil na.
Mapanghusgang dila,
Problema'y iyong dala.

Sana naman ngayon,
Kayong lahat ay umayon;
Huwag maging mapaghusga,
Sana'y katotohanan lang ang dala.

Kay talas pa naman ng mga dila,
Isang salita lang ay nakasusugat na.
Nakamamatay mga yaong tingin,
Akala mo'y haring may alipin.

Itigil ang pagiging mapanghusga,
Halina't buguhin ang tadhana;
Tingnan mula ang katotohanan,
Bago mo sila husgahan.

Maaring katapusan na pala,
'Saka mo lang tinanggap siya.
Huli na ang lahat at pagsisi'y nagsimula,
Kawawa'y 'di siya dahil ikaw itong nanguna.

—ysaqueens

Tiaras [Poetries]Where stories live. Discover now