Nueve

77 7 0
                                    

Sana ay laging kasama'y ikaw
sa pagtanda habang nagsasayaw.

Iiikot ka gamit ang aking mga kamay,
hahawakan kita habang buhay,
pagmamasdan kang ngumiti,
mamahalin ka hanggang huli.

Itataas kita sa himpapawid,
isisigaw na ikaw ay iniibig.
Araw-araw ko sa'yong ipababatid,
ang mahalin ka ang tanging hilig.

Iguguhit ang iyong mukha,
gamit lang ang papel at tinta.
Isusulat ang 'yong pangalan,
gamit ang ginintuang pluma.

Magtapos man ang lahat ng tula,
ang mga awiting ating kinakanta,
ang mga sayaw na pinagsasaluhan,
ngunit 'di matatapos aking pagmamahal.

Palaging babanggitin 'yong 'ngalan,
hanggang sa dulo'y ikaw lamang.
Tayong dalawa ay magmamahalan,
hanggang sa dulo, walang katapusan.

'Di ko man masabi ang damdamin,
sana'y tibok ng aking puso'y dinggin.

Hawakan mo yaong aking kamay,
ang isa nama'y sa balikat ko'y ilagay.

Baiwang natin ay ating igalaw,
tayo nang magsimulang sumayaw.
Iyong ulo'y ikandong sa aking dibdib,
pakiggan ang aking pag-ibig.

Mga paa natin ay ating igalaw,
tayo nang magsimulang sumayaw.
Hakbang sa kaliwa at kanan,
huwag mo lang akong saktan.

Iiikot kitang muli, aking mahal,
sabay ikaw ay magpatihulog,
at ako'y ikaw, sinta, ay sasaluhin lang—
sasaluhin kita, mahulog ma'y 'di hahayaan.

Tayo'y magsasayaw sa lilim ng buwan,
walang tutugtuging kantahan,
tanging tibok ng ating puso'y pakikinggan,
hanggang dulo'y magmamahalan.

Babalikan natin ang nakaraan—
sabay nating babalikan,
pagsasayaw at kantahan,
paglango'y na pinagsaluhan.

Tayong dalawa'y magsasayahan,
babalikan ang ating nakaraan
na kung saan tayong dalawa ay
magkasana na una pa man.

Naalala ko noong tayo'y bata pa,
lumalangoy tayong magkasama,
sasabay sa alon, tayo'y magsasaya.

Laging magkasama tayong dalawa,
sa araw man o gabi'y 'di matitinag,

paglalaro nati'y hindi magwawakas.
Ngunit 'di paglalaruan yaong pag-iisa,
seseryusohin ang tayong dalawa.

—ysaqueens

Tiaras [Poetries]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu