Chapter 28

32 3 0
                                    

Warning:  very slight spg

Eugen Pov




Months had passed ay nag-iba ang mga bagay na ginagawa ko. Kung dati ay school to bahay lang ako, ngayon ay school----bahay----clinic----. Mabuti na nga lang at hindi pa ako nabubuko kung saan ako pumupunta every Saturday and Sunday.

Okay na si Doc. Thea pero alam kong sa loob ay hindi pa. Dahil kapag ang pusong nabahiran ng sakit, guilt, at pangungulila ay kailanma'y hindi na mawawala. Syempre lagi na akong nakasuporta kay Doc. Thea dahil tinutulungan niya ako sa pagpapagaling ko.

Tuwing session namin ay umiiyak at lagi kong gustong saktan ang sarili ko pero dahil nandiyan si Doc. ay lagi niya 'yon napipigilan. I was thankful to her because of her effort to guide me with everything.

Nagpapasalamat na nga lang ako dahil wala pang ginagawang masama si Haze sa akin. Nagkakasabay lang kami kapag kumakain and other than that ay wala na. Hindi ko alam kung anong pina-plano niya but I'm sure it was something that will shocked me.

Kaya nga kailangan kong pagbutihan ang mga session na ginagawa ko kay Doc. para kapag dumating sa point na may mangyari na connected sa past ay makakayanan ko na. I know I'm still weak really weak to face my past.

Mabuti na lang at mabilis naghilom 'yong mga hiwa na ginawa ko.

"Tulungan na kita Eugen!" Energetic na sabi ni Gerald sa akin bago kinuha ang mga books na hawak-hawak ko.

Kaklase ko si Gerald sa ilang minor subjects namin. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close pero ang gaan niya kasama kahit nakaka-stress. Mas matanda siya sa akin ng one year at nasa third year na siya with his BSed course major in Math.

"Akin na! Hoy!"

Natatawang umiling siya sa akin at nakatalikod na humakbang habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Medyo maliit siya dahil halos magkasingtang-kad lang kami pero may hitsura.

Moreno, matangos ang ilong, payat na may muscle at higit sa lahat ay mapang-asar at mayabang!

"Ang cute mo talaga, Eugen! Pwede ba kitang gawing keychain?"

Natigil ako sa paglakad at hindi makapaniwalang tinignan siya. Rinig ko na agad ang halakhak niya dahilan para mag-init ang ulo ko.

I glared at him with my sharp eyes. "Bwicet ka talaga kahit kailan!" Asik ko mabilis na lumapit sa kaniya para hambalusin ang braso niya, "leche! Leche! Bakit hindi na lang kaya 'yang sarili mo ang gawin mong keychain huh!? Bwicet! Bwicet!" Halos maghabol ako ng hininga dahil sa biglaang sigaw kong 'yon.

Kung hindi ko lang alam ang totoo ay baka iisipin ko na nagpapansin siya sa akin, e.

Kapag kasama ko talaga 'tong lalaking 'to ay halos pumuti ang buhok ko sa sobrang stress! Sa'n kaya niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya at kabaduyan!

Tumawa siya ng malakas bago tinuro ang mukha ko. "Ang cute mong asarin. Para kang si......." He paused then raise his eye brow twice.

Tumaas ang kilay ko at naghahamon na tinignan siya....
"Sige....sino?"

"Para kang Pou...."

Ngumisi ako at inirapan siya, "okay lang, favorite ko naman si Pou...bleh!" Dinilaan ko pa siya at pinag-krus ang mga kamay sa dibdib.

"I mean Pou....." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at kita ko kung paano mamula ang mukha niya sa kakapigil ng tawa, "you know Eugen.......not literally Pou.....but Pou plus Giit..."

Nang magets ko ang sinabi niya ay mabilis na inagaw ko ang libro ko at pinaghahampas siya ng mga 'yon pero tanging malakas lang na tawa niya ang narinig sa buong hallway.

Along the Way (Completed)Where stories live. Discover now