Chapter 14

9 3 1
                                    

"Zeindy POV"

Gising na ang diwa ko pero hindi ko maimulat ang mga mata ko, pakiramdam ko nakahiga ako at ang lamig ng paligid, patay na ba ako?. Pinilit kong buksan ang mga mata ko, malabo ang nakikita ko, muli akong pumikit at sa pagmulat ko, puting kesame ang bumungad sakin, nasaan ako?

"Zeindy"

"Hime"

"Zein" dahan dahan ko silang nilingon, nandito silang lahat. Si Zin, si Kalisto, si Caius, si Ysabel at si Benedict.

"Tatawag muna ako ng doctor" sabi ni Kal at lumabas.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Cai at hinawakan ang ulo ko. Hindi ko magawang magsalita.

"Hime?" Pinilit kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko kaya, anong nangyayari?

"Doc" tumingin ako sa doctor "bakit hindi siya sumasagot samin?" Hindi ko gustong gawin yun.

"Don't worry mababalik din naman yan, nacheck na namin ang mga part na tinamaan sakanya at wala namang fracture, she's safe now, need lang niya ng tubig at makakain ng tama" lumapit sakin ang doctor at inilapit sakin ang flashlight niya "say ahhh" ngumanga ako, tumango siya "as what I've said she's alright" tumingin siya sakin "try to speak" tumango ako.

"Z-z-zin" hinihingal kong sabi.

"Zeindy" sabay sabay nilang sabi.

"Need niya lang ng pahinga pa, buti nalang at hindi ganon kalala ang tama sa lalamunan niya, mamaya babalikan ko siya, for now I gonna go" sabi ng doctor.

"Thank you doc" nagwave ng hand ang doctor at lumabas na.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Kal, pinakiramdaman ko muna ang sarili ko, medyo masakit ang katawan ko.

"M-masakit l-lang k-katawan ko" agad naman silang lumapit sakin.

"Saan dito ba o dito" sabi ni Zin at tinuro ang iba't ibang parte ng katawan ko, tumango ako. halos buong katawan ko ang masakit Zin.

"Teka halos lahat ah, sigurado kang ayos ka lang" tumango ako "pahinga ka muna, teka gusto mo bang kumain?" Actually kumakalam na sikmura ko, tumango nalang ako.

"Kal, Cai dito muna kayo bibili muna ako ng makakain natin" tumingin siya sakin at hinawakan ang ulo ko "bibili muna ako ng makakain natin" tumango nalang ako, ngumiti siya tsaka lumabas.

Captivating my Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now