Chapter 29

6 2 2
                                    

"Zeindy POV"

Nasa Spain na kami ngayon, dito sa bahay nila Zin. Nakwento na din sakin lahat ni Cai, nalaman ko na din kung bakit siya nawala, sana ayos lang siya.

"Kumain na muna kayo, may ilang araw pa tayo para makapagpahinga at makapagplano" sabi ni Zin. Lumapit ako sa mesa at naupo.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Cai.

"Ayos na" kumain na ako, 7 kami ngayon dito, hindi ko din akalain na sasama sila. Ang plano kasi kami lang nila Zin, Kal, Cai at Ysa, sumama si ma'am Zhia tsaka yung kakilala daw ni Cas sa inuupahang apartment. Pagkatapos kung kumain pumunta muna ako sa garden nila Zin, magpapahangin lang ako.

"Hime" napatigil ako sa paglalakad.

"Zin anong ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ka, malungkot ka pa din ba?" Tinignan ko siya, nakatingin siya sa kalangitan na puno ng bituin.

"hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, masaya naman akong kasama kayo pero parang may kulang, parang hindi ako buo, parang nawalan ako ng bahagi ng katawan, wala akong lakas" tumingin din ako sa langit "alam mo para akong mga bituin"

"Bakit naman?"

"Hindi ako magnining ning kung walang liwanag, parang ako, kulang ako kasi wala siya" tumulo ng bahagya ang luha ko.

"Kaya nga hahanapin natin ang kulang mo para mabuo kana" napatingin ako sakanya, ngumiti siya sakin "kaya nga tayo nandito para hanapin siya at bawiin di'ba, kaya wag kana malungkot, malapit na" nakangiti niyang sabi. Cassius nandito na kami.

"Cassius POV"

"Wake up sleepy head" napamulat ako dahil sa boses na yun, anong ginagawa niya dito.

"Tsk anong kailangan mo"

"Today is the day" nakangiti niyang sabi, I glared at him.

"Sa tingin mo mapapatawad ka niya pag ginawa mo 'to Callius" ngumisi pa.

"I don't care, basta maka ganti ako" bwesit ka Callius.

"Wala kang puso"

"As if I care"

"Tandaan mo 'to Callius magdudusa ka sa mga ginagawa mo ngayon"

"Shut up" tumalikod siya.

"Ayusan niyo na siya, patulugin niyo kung kinakailangan" what the, lumapit sakin ang higit sa limang babae, meron ding tatlong lalaki.

"Wag kayong lumapit" tinangal ng isang babae ang damit ko.

"Sir wag na po kayong lumaban" nagpupumiglas ako.

"Ayoko sabi, ano ba ahhh! " may kung anong matulis ang tumusok sa braso ko, nanghina ako at nandidilim ang paningin, hanggang sa tuluyan na akong nilamon nito.

Nagmulat ako ng mata, sumalubong sakin ang liwanag kaya agad akong napapikit, makalipas ang ilang sigundo dumilat ako, nasa loob ako ng sasakyan, nakahinto ito at maraming bantay sa labas, nakatali ang kamay at bibig ko, tinignan ko ang sarili ko mula paanan, nakasuot ako ng kulay puting suit at may rosas na pula sa may bandang puso ko.

"Bantayan niyo ang paligid, siguraduhin niyong walang makakapasok na kalaban" ang boses na yun, ang pinaka ayaw kung marinig.

"Yes boss" narinig kung bumukas ang pintuan sa kaliwa ko.

"Gising kana kaya tara na" tinangal niya ang busal sa bibig ko.

"Pakawalan mo 'ko Callius" ngumisi siya at lumayo sakin.

"Ilabas niyo na yan" utos niya, lumapit sakin ang tatlong malalaking lalaki at hinatak ako palabas.

"Pakawalan niyo sabi ako" nagpupumiglas ako pero ang lakas nila.

"Manahimik ka Cassius, sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak ang pinaka mamahal mo" nabato ako sa kinatatayuan ko.

"H*yop ka Callius, wag na wag mong hahawakan si Zeindy, sinasabi ko sayo kahit kapatid pa kita kaya kitang patayin" subukan lang niya ng magka alam kami.

"Then go on kill me hahahhaha, sa lagay mo pa nga lang ngayon eh halos maubusan kana ng hininga tapos balak mo 'kong patayin? Oh come on Cassius" I glared at him, ngumisi lang siya.

"Magbabayad ka Callius, magbabayad ka" ahhh bwesit.

"How much?" Lumapit siya sakin at hinawakan ang panga ko "ito ang tatandaan mo Cassius, hawak kita. Ang buhay mo, ang mundo mo, hawak ko ang lahat ng sayo"

"Phew"

"Tsk g*go ka" *pak, napakapit ako sa may hawak sakin, pinunasan ko ang labi ko kung saan niya ako sinapak tsaka ko tinignan, tsk may dugo, ngumisi ako sakanya. Halata naman ang pagka asar niya dahil sa ginawa ko "dalhin niyo na yan ng matapos na yang kasal ni'yan" kahit anong pigil ko hindi ko magawang maka alis dito, wala na din akong nagawa kaya hinayaan ko nalang, hinatak na nila ako sa may bandang altar, naniniguro talaga si Callius na hindi ako makakatakas. Zeindy patawarin mo 'ko. Napatulo ang luha ko, ikakasal ako sa taong hindi ko gusto, sa taong hindi ko mahal, bakit ba kailangan na si Callius ang magdikta ng kapalaran ko, bakit?

"Umayos ka" sabi sakin ng isang may hawak sakin "papasok na sila" pagkasabi niya no'n tumingin ako sa mga nagpapasukang bisita. Si mom at dad nandito din, napayuko nalang ako. Para na akong masisiraan, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakarinig ako ng mahinhing pagtugtug.

"Wow ang ganda talaga ni Melissa" kasabay no'n napatingin ako sa may pintuan, naglalakad siya suot ang mahabang puting gown at nakangiti.

"Ready na lahat, papasok na din si Father" nasa tabi ko na siya, lumapit siya kay Melissa at inalalayan 'to, pina upo naman ako ng tauhan niyang may hawak sakin, naka upo na si Melissa sa tabi ko.

"Ngayon araw ay masasaksihan na'tin ang pag iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan, tayo ay magiging saksi sa kanilang sumpaan" sabi niya, lumapit naman si Callius kay father at may ibinulong, kabastusan talaga ng taong 'to.

"Ehem, bilisan na na'tin at mukhang may kailangan pa silang asikasuhin" nagulat ako ng may biglang singsing sa harap namin.

"Bago simulan ang pagsusuot ng singsing at pagbibigay ng kanilang sumpaan nais ko sanang itanong kung meron bang tumututol sa kasal ng dalawang taong nasa harap ko" napapikit nalang ako, wala naman nang tutulong sakin, napatingin ako sakanya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Parating na sila" nakangiti niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. Sila?

"Uulitin ko, sino ang tumututol sa kasal ng dalawang nag iibigang nasa aking harapan"

*ekkkkk

Napalingon ako ng tumunog ang pintuan, senyales yun na may pumasok.

"AKO!"

Captivating my Heart [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin