CHAPTER TWENTY FOUR

61 2 2
                                    

MATAPOS ng gabing may mangyari sa kanila ay naging extra sweet and caring si Rudny sa kanya. Labis naman na ikinatuwa ni Beatrice iyon dahil matagal na niyang pinapangarap iyon.

Panay ang pagkwe-kwento ni Beatrice sa dalawang kaibigan niyang si Penelope at Farah na nagpunta pa sa condominium unit ni Rudny.

"Akala ko lang dati mananatili na pangarap ko lang si Ruru. Ngayon... gosh! I can't believe it akin na talaga siya!"Pagtitili ni Beatrice na napasalampak pa sa carpeted na living area.

"Wow! Ikaw na bii!"Sabay ng pagtaas naman ni Penelope sa bote ng San Mig na inilibre lang naman ni Beatrice.

"Thank you!"sagot naman niya.

Si Farah naman ay nanatili lang naman na tahimik habang lumalagok sa hawak-hawak nitong bote. Tila malalim ang iniisip nito ng mga sandaling iyon.

"Problema mo Bii?"baling naman ni Beatrice rito.

"Iniisip ko lang, talaga bang may gusto na ba talaga sa'yo ang lalaking iyan o dahil natangay lang siya sa pang-aakit mo,"diretsang wika ni Farah.

Natigilan naman si Beatrice at inayos ang suot niyang silk robe.

"A-ano ka ba naman bii, of course Rudny love me,"matigas niyang lahad.

Nagtitigan lamang sila ng ilang segundo.Kakaba-kaba pa si Beatrice dahil tila hindi pa rin ito naniniwala sa napakagandang balita na nangyari sa buhay niya.

Ang mapansin siya ni Rudny Aragon.

"Okay fine, kung totoo nga... Congrats! Sana maging masaya kayo,"tugon nito.

"Salamat! Oo naman."

"Ano na palang plano mo sa manliligaw mong si Seth?"sabat ni Penelope.

Bigla naman natigilan si Beatrice at hindi agad nakaimik.

"Ayan ang sinasabi ko dahil sa nakafirst base na si Rudny ay mukhang initswapera mo na si Papa Seth!"paninisi ni Farah sa kanya.

"Hindi naman kaso..."

"Kaso ano, huwag ka ng magdahilan ng kung ano-ano bii kilala ka namin. Ang mabuti pa'y kausapin mo na agad si Seth, kawawa naman siya asang-asa iyong tao na sasagutin mo. Ang hindi niya alam at nasalisihan na siya ng iba!"Iiling-iling na pagpapaalala naman ni Penelope.

Napagawi naman ang tingin ni Beatrice kay Farah, pares ng isa ay ganoon din ang isinuhestiyon nitong dapat niyang gawin.

NAGMAMADALING pumasok sa sa restaurant si Seth. Malayo pa lang siya ay nakita na niya si Beatrice na nakaupo sa lamesa na nakareserved sa kanilang dalawa.

"I'm sorry at late ako, masiyadong traffic. Sana nag-order ka na ng para sa iyo Bea."Pagkaupong-pagkaupo pa lamang ni Seth ay iyon na ang nasabi niya.

Akmang kakaway sana ito para mapansin sila ng waiter ng maramdaman niya ang paghawak ni Beatrice sa palad niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Huwag ka ng mag-abala Seth, a-ang totoo mabilis lang itong sasabihin ko,"wika ni Beatrice.

Napatitig naman si Seth dito, nag-uumpisa na siyang maguluhan at kabahan sa reaksiyon na nakabadha sa magandang mukha ng dalaga.

"I-I'm sorry S-Seth, p-pero hindi ko na talaga kayang magpanggap,"malungkot na amin ni Beatrice na biglang umiwas ng tingin.

"A-ano bang sinasabi mo B-Bea, h-hindi kita naiintindihan,"pagkakaila rin naman ni Seth. Nagkukunwari lang siyang walang alam, pero kanina tumawag ito sa kanya kanina ay pakiramdam na siyang hindi maganda ang mapag-uusapan nila. Ngayon pa lajg ay parang nilalakumos na ang puso niya sa mga sandaling iyon.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now