14

203 25 9
                                    

Mas lalo pa akong naging busy dahil sa school works.

Sometimes I can’t sleep, sometimes I slept early than usual.

“Namamayat ka yata?” puna sa akin ni Margaux.

Nagpapractice na kami ngayon para sa moving up. Mainit kaya sobra ang pawis ko at nanghihina rin ako.

“Stressed masyado sa mga ginagawa natin dito,” sagot ko naman.

“Okay ka lang ba? Para kang may sakit,” nag-aalalang sabi naman ni  Blythe.

I smiled at them.

Ayokong mag-alala rin sila sa akin.

“Ayos lang ako. Bakasyon naman na natin after nito kaya konting tiis na lang,” sambit ko pa.

Nagkatinginan pa silang dalawa at napabuntong hininga. Inakbayan ko silang parehas at naglakad na kami papunta sa pwesto namin.

“Magsabi ka kung may nararamdaman kang iba,” bilin pa ni Margaux.

Umaandar na ang pagiging Ate niya sa amin kapag ganitong sitwasyon, e.

“Yes, Ate!” pang-aasar ko pa kaya inirapan niya ako.

“Kumain ka rin ng marami,” sabi rin ni Blythe.

“Yes, Bunso!” nakangising ani ko.

Ngumuso naman siya at yumakap sa akin. Natatawa na lang ako dahil mukhang naglalambing pa siya ngayon.

Umayos lang kami nang marinig na namin ang teacher namin na nagsalita sa mic. Kaniya-kaniya kaming punta sa tamang pwesto namin.

“Tired?” tanong ni Zild nang sunduin niya ako.

Puro practice lang ang ginagawa namin dahil next week na ang moving up kasabay ng graduation ng mga grade 12.

Yumakap ako agad kay Zild nang makita ko siyang nakasandal sa kotse. Wala na akong pakielam kung may masabi sa akin ang mga studyante, wala na rin akong pakielam kung makita nila kami.

“Hmm,” tanging nasagot ko na lang.

Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap din ako. Hinalikan niya pa ako ng tatlong beses sa ulo.

That’s his sign saying ‘I love you’ to me.

“C’mon, uwi na tayo para makapagpahinga ka,” malambing niyang sabi sa akin.

Inalalayan niya ako papasok sa kotse. Hinawakan niya pa nga ang ulo ko para masigurong hindi ako mauuntog sa pagpasok ko.

Mabilis siyang umikot para makasakay na rin. Akala ko ay paaandarin niya na pero nagulat ako na naglean siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi.

“I love you,” malambing niyang sambit.

I look into his eyes. It’s so pure and sincere. I can see all of his emotion there.

“I love you, Zild.”

Natulog lang ako sa biyahe, naiintindihan naman ni Zild ’yon. Sinabi ko ring idiretso na kila Nanay Ofel dahil gusto kong makasama muna siya, kapag nasa bahay kasi ay hindi ako hahayaan nila Mommy na makasama si Zild ng kami lang.

Dadaldalin nila kami panigurado.

“Oh? Matamlay yata si Johann?” takang tanong ni Nanay Ofel sa akin.

Nakaalalay pa rin sa akin si Zild, nakakapit siya sa bewang ko.

“Pagod kapapractice dahil sa moving up nila,” sagot naman ni Zild.

“Naghanda na ako ng meryenda ninyo, ang mga bata ay pinapunta ko muna sa kapitbahay dahil mukhang hindi kaya ni Johann magturo ngayon sa kanila,” nag-aalalang sambit pa niya sa huli.

Vengeance (Glamorous Series #3)Where stories live. Discover now