I can say that my 4 years life was a mess for me. Muntik lang naman akong matanggal sa trabaho ko dahil sa kapabayaan ko. I lost my interest in everything. Napabayaan ko lahat sa loob ng apat na taon.
Sinubukan nila akong tulungan, ’yung mga kaibigan ko na successful at maganda ang takbo ng lovelife. Pinilit kong umahon ulit. Sinikap kong ayusin muli ang sarili ko.
Nagtagal ako sa trabahong gusto ko. Naging maayos ang buhay ko pero nanatili akong mag-isa. I mean wala akong ibang lalaking pinapasok sa buhay ko kahit na maraming nagtangkang ligawan ako. Si Zild pa rin talaga hanggang ngayon. Siya naman palagi.
“Long time no see, Nicole.” Halos takasan yata ako ng sarili kong hininga dahil doon.
Paanong kasama ko siya sa eroplanong ’to pero hindi ko siya nakita sa loob?
“Keep safe, Sir!” nakangiting sabi pa ni Kyla kay Zild.
Yes, Zild is here.
Hindi ko man lang siya nakita sa buong biyahe. O baka hindi talaga siya nagpakita?
“Let’s meet later,” seryosong sabi niya at tinuloy na ang pagbaba.
Nawala na ako sa focus dahil sa kaniya. Hanggang sa pag-uwi ko ay wala pa ring tigil ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Bakit ngayon pa siya nagpakita? Bakit pa siya nagpakita?
Naalala ko ang nangyari noon. Simula nung sinabi ko sa kaniyang ayaw ko na siyang makita, na inaalis ko na siya sa buhay ko ay ginawa niya nga, wala ni isang balita akong nasagap sa kaniya mula noong araw na ’yon. Kahit ang mga kaibigan namin ay walang binabanggit, parang walang Zild na nag-exist sa aming lahat dahil kahit pangalan nito ay hindi ko naririnig.
“Oh Gosh! Johann?” gulat na tanong ni Mommy pagbukas niya ng pinto. “Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka ngayon?” gulat pa ring tanong niya.
“Surprise!” pilit kong pinasigla ang tono ko. “Sinadya ko talagang hindi magsabi dahil alam kong maghahanda ka pa kung sakali,” dagdag ko at inirapan pa si Mommy na ikinatawa lang nito.
“Maghahanda pa rin ako, papuntahin mo rito ang mga kaibigan mo,” aniya at kinuha ang phone saka kung anong pinagpipindot doon.
“Gonna rest muna, Mom. I’m tired.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Mommy. Busy rin naman siya sa phone kaya hinayaan ko na lang din.
Hindi ko na nagawang magpalit pa ng suot ko dahil sa pagod ko. Kahit ang mga gamit na dala ko ay basta ko na lang binitawan sa kung saan at nahiga ako sa kama ko. Agad akong hinatak ng antok at nakatulog agad ako.
“Walang sinabi sa amin na uuwi siya,” rinig ko ang boses ni Margaux.
Masakit ang ulo ko at antok na antok pa ako kaya hindi ko na lang pinansin ang narinig ko.
“Isang linggo nga akong hindi kinausap niyan, akala ko galit sa akin,” rinig ko namang sabi ni Snop.
Bakit ba ang iingay nila? At bakit sila nandito? Inaantok pa ako.
“Gisingin na ninyo para madarag na natin,” sambit ni Minky.
Kusa na akong gumising. Salubong na salubong ang kilay kong nakatingin sa kanila. Kumpleto sila ngayon dito sa kwarto ko. Kahit si Zild ay nandito. Anong ginagawa niya rito?
“Anong problema ninyo?” banas kong tanong sa kanila at isa-isa silang sinamaan ng tingin.
“Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka ngayon?” gigil na tanong ni Margaux sa akin.
“Hindi na surprise kapag sinabi ko,” maarteng sagot ko sa kaniya.
“Ay surprise ba dapat ’to? May hinanda ka ba? Sinabi kasi sa amin ni Zild na nandito ka na raw, e,” sarcastic namang sabi ni Minky sa akin.

YOU ARE READING
Vengeance (Glamorous Series #3)
Romance© All Rights Reserved COMPLETED ✓ Started: September 23, 2021 Ended: November 22, 2021 Loving you was not my plan. You're not my ideal man, you're not actually my type. How come I fall in love with you? I ruined you, you ruined me, too. Maybe it's y...