16

213 26 4
                                    

Debut na ni Snop. Wala pa akong naiisip na isuot. Alam kong simple lang naman ang susuuutin pero wala akong maisip.

Tinatamad akong kumilos.

Palagi lang akong nakahiga tuwing weekends, ganoon din naman tuwing uuwi ako sa hapon.

I miss them. I mean the kids and Nanay Ofel. Wala na akong balita sa kanila, e.

"Ano na?" tanong ni Margaux na kapapasok lang sa kwarto ko.

Sabado ngayon. Pumunta sila para tulungan akong humanap ng pwede kong suotin. Si Margaux ang mahilig sa ganito. Nakaayos na nga sila, e.

Margaux wearing black fitted sando na nakatuck-in sa brown niyang not so fitted skirt. She even wore boots na hanggang tuhod yata ang haba nung pinakatela. May shades pa nga siya sa dibdib and she pony tailed her hair.

Si Blythe naman ay simpleng white dress na above the knee. She bunned her hair. Ang ganda niya. Ang ganda nila.

"Wala akong maisip na pwedeng isuot," sagot ko naman.

"Ang dami mong pwedeng suotin," sabi ni Margaux at nagsimula na ngang pakielaman ang closet ko.

Basta na lang siyang humablot ng maisusuot ko. A white oversized blouse partnered with maong palda na hanggang hita ko ang haba. High waisted 'to.

(Check the multimedia above)

"Iyan na, maganda na 'yan, tuck-in mo na rin para maganda," sabi naman ni Blythe.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at magsimula nang asikasuhin ang sarili ko. Naghintay silang dalawa sa akin.

Nang matapos ay nagcurl pa ako ng buhok ko. Feel ko lang magkulot ngayon, nakalugay lang din ang buhok ko.

"Let's go!" sigaw ni Margaux at rumampa pa nga nang palabas na sa kwarto ko.

"Baka mas bongga pa suot ninyo kaysa kay Snop," natatawang sabi ni Blythe.

Si Margaux lang naman ang grabe mag-ayos, daig pa ang may debut sa ayos niyang 'yon, e.

Wala pa akong nabibiling panregalo kay Snop kaya naman pinauna ko na ang dalawa at sinabi kong susunod na lang ako sa kanila. Pumayag naman sila dahil excited na rin silang makita sila Snop.

Mabilisang bili lang ang ginawa ko, sana lang ay magustuhan ni Snop 'tong regalo ko. Well kahit naman anong iregalo sa kaniya ay gusto niya. She's happy with simple and small things.

"Oh gosh! Late na ba ako?" hinihingal na bungad ko sa kanila. Wala namang sumagot dahil tahimik sila.

Nagmadali na nga ako papunta rito kila Snop dahil baka nagsisimula na. Ang dugyot ko na yata ngayon.

"Hindi pa nagsisimula," basag ni Snop sa katahimikan. Napahinga ako ng malalim at tumango.

"Hannah?" tanong ni Austin na mukhang nakabawi na sa gulat.

Napatingin ako sa gawi nila at halos kapusin yata ako sa hininga. Nanlaki rin ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakikita ko ngayon.

"What the hell are you doing here?!" medyo malakas ang tonong tanong ko.

"Wait, anong meron?" tanong ni Minky. Nagtataka na rin.

"Bakit nandito si Hannah?" tanong ni Jatyr.

Bakit ba Hannah ang tawag nila sa akin? Geez! Naaalala ko tuloy 'yung bwisit na babaeng nag OJT sa amin noon.

"Kaklase rin namin siya sa Glamorous noon, why? Anong problema?" tanong ni Minky at nagpabalik-balik pa ang tingin sa mga nasa table.

Vengeance (Glamorous Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora