Paghahanda

9 0 0
                                    

Araw ng Sabado, inihanda ko na ang aking mga gamit pati ang aking dadalhing bag. Kinuha ko na ang aking mga kailangang damit ilang mga shorts at ang aking uniporme,
nakaimpake narin at tinulungan ako ni mama sa paghanda sa mga pagkaing dadalhin ko at mga gamot na maaaring kakailanganin ko. Sinama ko na rin ang aking bolo,"trapal", at pinapadalang bigas at de lata. Di nako mapakali, ako'y lubos na kinakabahan at naguguluhan naghahalo ang aking emosyon sa kung anong pwedeng mangyari. Kinumusta ko si Albert ang aking kasama at maging siya ay nababalisa dahil sa kabang nararamdaman.Ika ni albert "Ano kaya ang mga gagawin sa campsite? " Ano kaya ang mangyayari sa atin? " Tugon ko naman sa kanya " Bahala na si batman" at nagtawanan nalang kaming dalawa. Pumunta kami sa paaralan at kinausap kami ng aming guro na magiging kasama namin sa "survival" sinabi niya ang mga pwedeng mangyari at lubos kaming kinabahan ika niya "Maaring maubusan kayo ng pagkain", " Kayo ang gagawa ng sarili niyong tirahan"   at "Walang tutulong sa inyo dahil kayo mismo ang gagawa ng sarili niyong paraan para mabuhay!" Sa mga sinabi ni Sir ay nagdalawang isip pa kami ni Albert kung itutuloy ang 'Survival" dahil nga nangunguna sa amin ang takot. Pero nilakasan namin ang aming loob at sinabi sa sarili "ako ay boyscout at kakayanin ko ang lahat ng pagsubok na ibibigay sa amin" .

Survival 2 ExperienceWhere stories live. Discover now