Day 3

2 0 0
                                    


      Sa ikatlong araw ng survival, ramdam ko na ang pagkagutom, ang baho ng mga katawan namin, at pagkapagod. Pumunta kaming lahat sa baba ng bundok at doon ay kumuha kami ng mga lamang dagat tulad nang talaba at "kapis-kapis" para daw may makain kami kahit papano. At sa pagbaba namin sa bundok, sa hindi inaasahang pangyayari ay nakakita kami ng tindahan. Hindi alam ng mga guro na may tindahan pala sa baba ng bundok, at doon nagsimula ang masasaya naming oras sa gitna nang paghihirap. Kada pahinga ay bumibili kami sa baba ng coke,junk foods at iba pang mga makakain wala silang kamalay-malay na busog na busog na kami sa gitna nang survival. Doon narin kami nag -igib  ng tubig na maiinom at halos lahat nang paninda ay maubos dahil sa dami naming bumibili. At sa araw na iyon, marami ang pinagawa sa amin mga laro at mga aral sa gawi nang isang "scout". At nang sumapit ang gabi kaming lahat ay nagtipon-tipon at nagsaya dahil iyon narin ang huling gabi namin sa bukid at bukas ay uuwi na kami pabalik sa paaralan, pabalik sa aming mga tahanan.

Survival 2 ExperienceKde žijí příběhy. Začni objevovat