Day 2

4 0 0
                                    

Alas 4:00 madaling araw ako ay nagising, gising narin si Albert at ang ibang mga scout. Nang may biglang pumito at kami ay tumakbo agad sa gitna. Kami ay grinupo sa tig apat at nagpakilala agad ako saking mga kagrupo nagkasundo naman agad kami at pinabalik na kami para kunin ang aming mga gamit.
     Tumungo na kami sa bundok at dun na nagsimula ang aming paghihirap. Dala dala ang mabibigat naming gamit ay tinungo namin ang daan patungong bukid. At nang kami'y makarating na ay agad kaming inutusan na maghanap ng punong matutuluyan at malalagyan ng tent. Bawat grupo ay nagkanya kanya at naghanap ng punong makakasama namin sa dalawang araw.Inayos namin ang aming mga gamit at gumawa na kami ng sarili naming tent. Sa buong araw na iyon marami sa aming itinuro kung paano mabuhay mag-isa, isang basong bigas lang ang ibinibigay sa amin para paghatian naming apat gamit ang latang nagsisilbing kaldero. At tinitipid ang bawat patak nang tubig na aming iniinom.

Survival 2 ExperienceWhere stories live. Discover now