Kabanata 24

24 3 1
                                    


Nagising akong masakit ang ulo, wala na si Alessa sa tabi ko. Nag hilamos muna ako bago lumabas, naupo ako sa tulalang si Ari. I want to cook pero tinatamad ako, tulala sila. Si amber ang nag luluto.

"Eto, soup." Sabi niya sabay lagay ng kaldero sa gitna ng lamesa, kumuha kami doon tsaka tahimik na kumain. Nagluto din siya ng Ramen.

"Itsura niyo, parang namatayan." Tumatawang sabi niya saka kumain na din. Namatay ang aking puso, sasabihin ko sana pero alam kong aasarin lang nila ako. They will use it against me, lalo na kapag mang aasar sila. Buti na lang hindi ako masyadong lasing kagabi.

Nagustuhan ko ang lasa ng alak, I should drink more often to forget. Pagkatapos namin kumain ay nagswimming kami ulit bago kami umalis, I feel so exhausted. Parang nangangalay din ang aking kamay. Ako ang una nilang hinatid, I said my goodbye to them.

Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si mommy na umiinom ng wine, may mga prutas sa harap niya. She smiled when she saw me.

"How's your trip?" She said.

"Fine, mom. Can I go to a club tomorrow?" I shamelessly asked, well, at least nagpapaalam. She looked at me seriously, nawala ang ngiti niya sa labi. Shit, wrong timing ata ako. Hindi naman ako pupunta kapag hindi siya papayag.

"Okay, bring kuya kamo with you." Sabi niya na ikinagulat ko, did she say yes?

"But don't do things that I don't like, kung hindi ay ipupunta kita sa America." Tumango ako, as if i'd do anything, iinom lang ako doon atsaka kasama ko naman si kuya kamo, meron din si Amber at Taraka. I kissed her cheek bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama, I looked at my phone. Hindi ko na ito masyadong magagamit. I change my profile picture, I gave my credits to Ariadne. Marami agad ang nagreact doon at nag comment na rin. I was waiting for someone but it didn't appear, pinatay ko na ang phone ko tsaka naisipang matulog.

Sunday, nagsimba kaming magkakaibigan. Parati na kaming lumalabas, si Alessa at Pris lang ang taken , I guess. Or that's what I thought. Nang ghost si Ari at naghost naman si Ara. Si amber, I think she's also single now. Si Bera, single din.

Simba sa umaga tapos iinom ako mamayang gabi, i bit my lips. I feel so guilty, we visited the site. I am still working for the menu and the pricing. Iyon ang pagkakabalahan ko, I need a diversion. Pagkatapos namin bumisita doon ay kumain na kami, we also survey the menu and pricing sa mga malapit na restaurant.

Naghiwa-hiwalay kami nang magagabi na, in the end, sumama na din si Ari. Which is shocking, she doesn't like going to a club.

"Kala ko ba ayaw mo mag club?" Tanong sa kanya ni Amber, nakaupo na kami dito. May mga sumasayaw at konti pa lang ang tao, usually kase mga alas onse ng gabi nagiging crowded dito. Napaaga kami, nasa table din naman si kuya Kamo na tahimik lang. Nahiya tuloy ako, baka mabored siya at mukha siyang awkward.

"Kuya, you can drink all you want. I'll pay." Malakas kong sabi, malakas kase iyong music. Andito naman kami para uminom, hindi para mang boy hunt kaya maaga kaming pumunta dito. Well, I don't know with those three, basta ako hanggang alas ten lang.

Tumango sa akin si kuya kamo at itinuro ang bar counter. "Doon na lang ako, miss."

Tinanguan ko siya at ibinigay sa kanya ang card ko pero umiling siya sa akin kaya hinayaan ko na.

"What the fuck..." bulong ni Ari, napatingin ako sa tinitignan niya. Sila Stefano! Mabilis nilang nakita ang table namin, kumaway pa siya sa amin at mabilis na lumapit, this guys is something. May mga bagong mukha siyang kasama tsaka sila Mark? Hindi ko na maalala ang mga pangalan nila.

Chick Clique Series 03: Only You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon