Kabanata 25

25 2 1
                                    


Pumasok na ako, madami pa akong aaralin. Hiniram ko ang notes ni Priscilla at ni Amber, pag vacant time ko ay nasa library ako. Dami kong nasayang na oras sa pag aaral dahil sa pagmumukmok. Hindi ko namalayang ang oras.

"Shit, late na ako." Bulong ko.

Mabilis akong nag ayos ng gamit tsaka umalis, bakit kase ang taas taas ng building. Tss, paulit ulit kong pinipindot ang elevator, pag bukas ay natigilan ako. Agad na akong pumasok, klase ko ang inaalala ko. Seryosong nag uusap si Lessio at Rico, bakit sila andito? Graduate na si Alessio ah.

"L- Lia." Tawag sa akin ni Rico, shit. Hindi ko iyon pinansin, nang bumukas ang elevator ay nagmamadali akong lumabas, natigilan lang ako nang may humawak sa braso ko.

"G- galit ka ba?" Kinakabahang tanong ni Rico, hindi pa ba obvious? Hinawi ko ang kamay niya.

"Late na ako sa klase ko." Malamig kong sabi tsaka siya tinalikuran. Absent ako netong mga nakaraang araw dahil hinanap kita, naka hinga ako ng maluwag nang makitang wala pa ang prof namin, tumabi ako may Taraka na natutulog.

Pagkaupo ko ay saktong dumating ang prof namin, ginising ko si Taraka. Nag discuss lang siya saglit tsaka siya nagpa-quiz. Siya na lang din daw ang magche-check, mukha siyang nagmamadali.

"May seminar kami, goodbye." Paalam niya sa amin, halos lahat ng prof sa management namin ay busy. Department Day na kasi, pagkatapos noon ay mag mi-midterm na kami, napatingin ako sa labas, andoon si Rico at Alessio, nagtama ang mata namin ni Rico.

Umayos siya ng tayo at pekeng ngumiti sa akin. Maybe, we can talk later. I miss him, hinawakan ako ni Taraka sa balikat kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa kanyang cellphone.

"Tara daw sa canteen, manlilibre si Ariadne." Tumango ako at lumabas na kami. Natigilan si Taraka nang makita niya sila Rico.

"Ohh." Bulong niya.

Hinila ko siya at nagdere-deretso na kaming naglakad, nilagpasan namin sila. Natigilan lang ako nang may humawak sa braso ko.

"L- let's talk." Nahihirapan niyang sabi, kunot noo ko siyang tinignan at nag buntong hininga.

"Rico, nasa loob tayo ng school. If you want us to talk, hintayin mong makalabas ako dito." Inis kong sabi, ayaw kong pagchismisan kami dito. For sure, iiyak ako kapag kinausap ko na siya bakit niya ako hiniwalayan. Napalunok siya at dahan dahang binitawan ang braso ko, tumango siya sa akin.

"I'll wait then." May sakit sa mga mata niya, inirapan ko siya tsaka inaya na si Taraka. Tahimik lang ako habang kumakain, iniisip ko kung magkakabalikan ba kami kapag kinausap ko siya. I'm hoping, sana. Sana lang.

"Hoy, bera. Tinatanong noong si karot kung anong network mo." Tumatawa siya, hindi ko alam kung anong tinatawanan niya. Karot? Weird.

"Karot? Tangina." Tumawa na din si Ara. Karot, ha? Mahina akong tumawa.

"Sinong karot?" Tanong ni bera tsaka sumubo ng fries.

"Si orange." Ah, iyong nasa kabilang school, basketball player na IT student.

"Tanongin mo nga kung may alam pa siyang mga link ng bold." Tumatawang sabi ni Amber, natawa ako.

"Magbago ka na, gaga. Nakakabobo daw iyon." Saway sa kanila ni Ari.

"Ows? Kahit naman hindi ako manood, bobo na ako." Tumatawang sabi ni Ara, umiling ako.

"Aminado." Binato ni Alessa ng crampled na papel si Ara. Onti lang naman ang tao kaya hindi masyadong nakakahiya kase ang ingay namin. Maingay din sila kaya wala ng pakialaman.

Chick Clique Series 03: Only You (Completed)Where stories live. Discover now