•Chapter 3•

18 5 6
                                    

Kiss Broken Hearts Goodbye written by fabulousqueenangel

|Chapter 3|

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"The best talaga tong si Joshie ko!" napahagikhik ako ng mahina. Ang cute kasi ni Mr. JRT. English man kasi kaya ang galing mag-British accent. Fall na meh talaga sa kanya.

Nanonood kasi ako ng mga videos ng mga favorite kong YouTubers sa YouTube. Hehe. Ang saya lang kasi. Need ko ng pampalipas ng kaba sa buhay, dahil nga sa mangyari kagabi. Yes. Yung hulihan scene kagabi.

Naku, yung Manok na yun! Ipapalapa ko sa mga kauri niyang manok! Hindi tuloy ako tinigilan ng mga tanong ng mga kapamilya ko.

"Anong meron sa inyo?"

"What's the meaning of that, Jada?"

"Teh, what's the incredible meaning of that embarrassing moment huh?"

"Kayo naba?"

Kita niyo? Papano ko sasagutin yan kung hindi ko alam ang sagot. Common sense mga Teh, edi tumahimik. Pero kahit anong pilit kong sabihin sa kanila na binubwesit ako ng manok na yun at hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay, ayaw nilang maniwala. Ang hirap ipagpilitan kung hindi na dapat pa, char.
# hugoterangsabog💥

Buti pa si JRT, nasa UK lang siya, bakit ba kasi madly deeply inlababo ako sa kanya? Ewan ko basta, mahilig akong mainlove sa mga, seryosong medyo maloko.
Hanudaw?

Natapos ko nang panoorin ang mga videos niya, nag unat-unat na ako at binuksan ang bintana para makalanghap ng polluted fresh air (polluted na nga, fresh pa?).

Tumingin ako sa mga tao sa ibaba, punta doon, punta dito, pero bakit parang hindi sila napapagod? Baka naman ang dami nilang energy sa katawan?

Well, mag-isa lang ako sa bahay dahil ang apat ay nasa karendirya. Ayokong pumunta doon. Ayokong makita ang ma- Speaking of manok, dumaan siya sa harap ng bahay namin at parang may tinitingnan, nasa ibabaw na bintana ako kaya kita ang mukha niya! What? Parang tungko ng manok yung hairstyle niya na inubos ang ilang sachet ng Gel!

Hopefully hindi niya ako nakita, pero para kasing may hinahanap siya eh. Tiningnan ko lang siya kung mapapansin niya ako. Aha!

Lumapit ako ng medyo malapit sa bintana. Since pumasok sa brain kong maganda na, naka white long sleeves shirt ako ngayon, at nakalugay ang buhok kong mahaba, tatakutin ko siya.
# multo_sa_bintana👻

Ginawa ko nga, nasisinag ko sa mga buhok ko sa mukha ko na hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa bahay namin. Hanggang sa, unti-unting nanlaki ang mata niya! Hehe! Effective kaya?

Napalunok siya! Gosh! Grabe ha. Habang naka evil smile ako, hindi ko maiwasang matawa ng sobra-sobra kahit pinipigil ko lang.

"Hihi hihi. Akala mong manok ka!" sabi ko. Halos umutot na ata ako sa kakapigil ng tawa ko. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingin sa akin.

Agad naman na siyang naglakad palayo hahahahah! Nakita kong natakot siya ng sobra. Hahah.

"Mukhang tuwang-tuwa kang pag-tripan siya Ate ha." Agad akong napaatras dahil may nagsalita sa likod ko.

" Uhh, hindi! Naku, natawa lang ako sa mukha niya. Tsaka hindi ko siya kilala." Sabi ko. Agad naman akong napatakip ng bibig! Gosh. Si Janicaaaa.

"Ehem, ah. Wala yun. Hindi ako natawa. Alam mo bebe, bingi ka talaga. Wala akong sinabi."

"Denied? Luh, lakas naman ng trip mo ngayon Ate Panget. Hindi ako bingi. Huwag ka na ring magmaang-maangan dahil huli kana."

"Huli, pero di kulong! Duhhh."

Kiss Broken Hearts Goodbye (COMPLETED)Where stories live. Discover now