I met another stranger

15.7K 213 17
                                    

Rocky's POV

I opened my eyes. Ayaw ko pang bumangon. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. 

 "Hindi ka magandang laruan. Ang bilis mong pagsawaan!"

Arrrgggh!!! Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga nang maalala ko yung mga katagang yun. Pero para may bumabara sa lalamunan ko at gusto nitong lumabas. Mabilis akong tumakbo sa banyo nang maramdaman kong masusuka ako.

Rocky's Mom:  Racquel?? Are you okay?

Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Nagmumog ako at sumagot.

Rocky: Okay lang Ma!

Rocky's Mom: Open the door please.

Rocky: Okay lang po ako!

Rocky's Mom: Open the door now!

Tsk!! Grabe! Ang hirap pala magbuntis. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang naramdaman ko na namang masusuka ako. Iniluwa ko na ang lahat hanggang sa parang tubig na lang ang lumabas. 

Rocky's Dad: Raquel!!!

Eh?? Paanong??? Si Papa talaga oh! Nabuksan nila yung pinto gamit ang spare key ng kwarto ko. I extend my hand as if I'm stopping them.

Rocky: It's okay. I'm okay.

Lumapit sakin si Mama at hinimas himas ang likod ko.

Rocky's Mom: Ganiyan talaga yan Anak. 

Napatingin ako kay Papa at naramdamang naluluha ako.

Rocky: P.. papa...

Sambit ko habang napailing ako at naiiyak. Niyakap naman ako ni Mama.

Sorry Papa, Mama. Sinira ko yung pangarap niyo para sakin. Sinira ko rin yung sariling pangarap ko.

Rocky's Mom: Yan ba ang okay?? Samin ka pa ba maglilihim??

Rocky: Sorry Mama.

Rocky's Dad: Anong sorry sorry? Ginawa niyo yun kaya dapat panindigan niyo yun.

Nagulat kami sa sinabi ni Papa.

Rocky's Dad: Maghanda kayo. Pupunta tayo sa bahay ng lalaking yun.

Rocky: Papa, ayaw niya po. 

Rocky's Dad: Anong ayaw? Magpapakasal kayo! Tandaan mo yan!!

The Teenage Mom (KRISJOY)Where stories live. Discover now