Yves: Fake But Good Husband/Father

8K 121 34
                                    

Rocky's POV

Napasilip ako sa bintana. Nakita kong nasa labas si Eugene. How can he be so strong? Bakit ang tapang tapang niya? kahit ako na yung sumusuko. Sa bawat pagsuko ko, yun naman ang laban niya. Mas lalo akong nahihirapan dahil sa kaniya eh. At alam kong nahihirapan din naman siya. Kaya bakit hindi na lang siya sumuko??

Rocky: (sigh) Yves, tara na!

Ilang araw nang ganito. Araw araw bago kami pumasok, nasa labas lang si Eugene. Alam niyo, masaya ako kasi pinapakita ni Eugene kung gaano niya ako kamahal. Sinasabi niya arawaraw na hindi talaga siya susuko. Pero paano naman siya? Ganun na ba siya ka selfless?

Napakapit ako sa braso ni Yves. Kasi sa tingin ko parang anytime tatakbo na talaga ako kay Eugene. Paglabas ng bahay, nakita ko agad na parang excited si Eugene na makita ako. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa braso ni Yves. Binigyan niya ng matalim na tingin si Yves. Nagkatinginan kami pero umiwas agad ako. Ang sakit... Sobrang sakit... Nakita kong parang disappointed siya ng nilagpasan ko lang siya.

Eugene: (pabulong) I love you...

Kahit pabulong yun, dinig ko pa din. Sabi niya nun na parang naglalambing. Hindi ba siya galit? Mas binilisan ko ang paglakad papuntang kotse. At nang makapasok na ako, hindi ko na nakaya at nagsituluan na ang mga luha ko.

Hinayaan lang ako ni Yves na umiyak. Nakatingin lang siya sakin habang umiiyak.

Yves' POV

Araw araw ko na lang bang makikita si Rocky na ganito? Sobra na siyang nasasaktan. Kung pwede lang malipat sakin lahat ng sakit na nararamdaman niya. At si Kuya.... Alam kong minahal nga niya talaga si Rocky. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanilang dalawa. I'm such a f*cking bastard!!! Galit ako sa sarili ko.

Nakita ko kung paanong gusto ni Rocky na habulin si Eugene nang umalis ito. Bumaba siya ng kotse na parang hahabulin si EUgene. Pero syempre, hindi niya nagawa. Bakit ganito? Bumaba na lang ako ng kotse at kinuha si Baby Eugene. 

Rocky: B-bakit karga mo si Eugene??

Takang tanong ni Rocky. 

Yves: Get in the car, mamamasyal tayo.

Kahit nagtataka, ay sinunod naman ni Rocky ang sinabi ko. Buong byahe, niyayakap lang ni Rocky si Yves.

The Teenage Mom (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon