Wala lang.. Kulitan Moments

10K 121 12
                                    

Eugene's POV

 

 

Saturday ngayon at walang pasok. Pero maagang nagising si Rocky. Kanina pa siya tumatayo sa harap ng salamin.

 

 

Rocky: Eugene....

 

Eugene: Hmmm?? 

 

 

Sagot ko na hindi tumitingin. Nag-aaral kasi ako eh. Malapit na ang exams.

 

 

Rocky: Eugene..

 

Eugene: Ano??

 

 

Napatingin ako saglit sa kaniya. Naka-pout siya sa harap ng salamin. Binalik ko naman agad yung pansin ko sa pag-aaral.

 

 

Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko. Nasa kama lang kasi ako nag-aaral eh. Yan tuloy, naalog yung kama.

 

 

Rocky: Ang pangit pangit ko na.

 

 

Ano daw?? Napatingin ako sa kaniya.

 

 

Eugene: Sa tagal ng pagsasama natin dito, ngayon mo lang yan nalaman?

 

Rocky: So totoo nga? Ang pangit ko talaga?

 

Eugene: Oo nga....

 

 

Biro lang.. Hindi kasi ako sanay na magkasundo kami eh. Naiilang ako sa tuwing nagkakasundo kami.

 

 

Bigla na lang may tumulo sa papers ko.

 

 

Eugene: Oh? 

 

 

Napatingin ako sa kaniya. Umiiyak siya.

 

 

Eugene: Eeeeeeeeh!!! Yung reviewer ko nabasa na.

 

Rocky: Ang taba taba ko na kasi...

 

 

Hindi siya mataba. Sexy nga siya kahit buntis siya eh. Sadyang malaki lang talaga yung baby NAMIN.

 

 

Rocky: Ang bilog bilog pa ng ilong ko.

 

 

Napatingin ako sa kaniya.  Hindi naman ah. Tangos nga ng ilong niya eh. At tsaka, parang wala namang nagbago. Ganun pa din siya. Mas blooming nga siya ngayon eh.

The Teenage Mom (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon