Kabanata 1

99 4 3
                                    

"Francisco Grande." Sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ang litrato niya. Nakaupo ako ngayon sa isang upuan, kaharap si Fernando Harris, ang boss at erpats ko.

"Siguraduhin mong matatama mo iyan, Death. Bawal kang sumablay. Sayo ko ipinagkatiwala iyan. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi niya habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo. Muli kong tiningnan ang litrato at binasa ang profile niya.

×Francisco Grande
×22 years old
×Vienna Montreal University
×Vienna Montreal Street, Columba City
×Kapatid: Franchesca Grande
×Magulang: Elizabeth Grande, Wilfred Grande

"Eh, madali lang naman pala ang isang to dad. We're just in the same school at hometown. Huwag po kayong mag- alala. Hindi ko po kayo bibiguin. Ako pa."

"Gawin mo nalang, Death." Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niya. "Sige, alis nako."

Ibinaba ko na ang litrato at tumayo. Dumukot ako ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan ito. Nakaharap ako ngayon sa transparent wall, nakatanaw sa bawat istruktura ng Columba.

Ako si Death Harris. 20 years old. Criminology ang kurso na kinuha ko. Ang mundo ko'y isang napakakomplikadong buhay. Sa umaga'y ako'y tagapagmasid at estudyante. Sa gabi nama'y baril ang hawak ko. 15 anyos ako ng trinain ako ni dad. 16 anyos ng ipinakilala niya ako sa mundo niya. 17 anyos nang may pinapatay siya saking 54 anyos na lalaki na siyang mortal niyang kaaway. 19 anyos nang may ipinadukot siya saking 10 anyos na batang lalaki na siyang sinanay niya din. Pero dahil nagmatigas ang bata, pinatay niya ito ng diretsahan.

Walang awa, oo. Walang hiya, walang modo. Normal lang samin 'to at ito'y nararapat. Kung sino man ang magkamaling bumunggo sa amin, asahan niyong sa isang iglap wala na siya sa mundo. Sanay na sanay na ako sa ganito. Ngayong may misyon na naman ako. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ng lalaking 'to kay dad. Ilang beses na akong nagtanong pero wala akong nakukuhang sagot, kaya'y tumahimik nalang ako.

Mission 101: Iharap kay Fernando Harris si Francisco Grande.

Sabi ni dad, huling mission ko na daw 'to. Pagkatapos nito, pwede na daw akong mamuhay ng normal. Well, let's see.

----

Votes and comments, please. Hihi :) sorry for some errs. ^^ labyuu :*

Death (ON HOLD)Where stories live. Discover now