Kabanata 3

82 4 2
                                    

"Whoa." Ang unang lumabas sa bibig niya pagkadating namin sa Gun station.

"Ito ang mundo namin, Christian. Sa umaga'y tagapagmasid at estudyante ka. Pero dapat, ang makikita ng tao sayo ay isang tipikal na estudyante lang. Sa gabi nama'y baril ang hawak mo. Magsasanay at magsasanay kalang. Kung may umaway sayo, sabihin mo lang samin. Ligtas ka samin, Christian. At si Francisco Grande? Siya ang unang mission mo na huling mission ko." Tinanguan lang niya ako sabay ngisi bilang sagot. At kitang kita ko sa mga mata niya ang kaligayahan. Yun bang parang sinasabi niyang 'sa wakas, makakapaghigante nadin ako'.

"Christian, pumili ka muna ng baril." Pumili siya nang baril at kinuha ito.

"Ingatan mo iyan. Huwag mong dadalhin kahit saan iyan. Tandaan mo, sa gabi mo lang iyan pwedeng dalhin. Dito ang supply ng mga bala. At pwede kang pumunta dito kahit kailan mo gusto. Kung sanay na sanay ka na, edi congrats! Opisyal na miyembro kana sa mundo namin. At tandaan mo, Christian, wala nang atrasan 'to."

"Oo, dude."

"Sige. Punta muna tayo sa kwarto mo."

Naglakad nanaman kami patungo sa kwarto niya na katabi lang naman din ng kwarto ko.

"Wow! Kwarto ko lang 'to? Ako lang mag- isa dito?"

"Aha. Tsaka, eto oh. Susi mo. Kung mawala iyan punta kalang kay dad, may duplicate siya sa lahat ng mga susi dito."

"Papasama nalang siguro ako sayo, dude. Nakakatakot iyung dad mo."

"Ano kaba. Mabait iyun."

"Grabe talaga! Ang astig!"

"Hoy Christian! Bawal magdala ng babae dito sa teritoryo namin! Nagkaintindihan ba tayo?"

"Hindi talaga pwede?"

"Pwede siguro. Basta magpaalam ka kay dad."

"Oh sure!"

"Tingnan mo nga ang closet mo." Tumungo naman siya sa closet niya at binuksan ito.

"Whoaa! As in. Whoa! Whoa!"

"Sayo na lahat ng iyan, dude. Sige, pahinga muna ako. Nasa kabilang kwarto mo lang ako. Enjoy!"

"Sige dude! Salamat talaga ng marami!"

"Sige!"

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Ah. Sarap sa pakiramdam! Kinuha ko ang mcbook ko at nag google.

Grande's
-the Grande's which are Wilfred and Elizabeth Grande, who have two good looking son and daughter, Francisco and Franchesca Grande, owns a lot of buildings in Columba. They consumed almost one- third of the Vienna Montreal Street. They also have a lending company which is so famous all over Columba.

Pagkatapos kong mabasa iyun, hindi ko alam kung bakit pero natagpuan ko ang sarili ko na pinindot ang pangalan ni Franchesca.

"Wow." Ang unang lumabas sa bibig ko. She's so hot. Grabe! Nakakamanyak! Sinuri kong mabuti ang tungkol sa kaniya at nalaman kong medisina pala ang kinuha niya.

Death (ON HOLD)Where stories live. Discover now