Kabanata 2

77 4 4
                                    

Simula na ngayon ng ikalawang semester at nalaman kong kaklase ko si Francisco Grande.

"Dude, pwedeng tumabi?" Tanong ng isang lalaki. Tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

"Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kaniya habang lihim na tinuro si Francisco.

"Ah, oo. Si Francisco Grande. Sikat iyan, eh. Di mo ba alam? Ang mga Grande, sikat sa buong Columba o baka lagpas Columba na ata. May kapatid din iyan, chix na chix."

"Ah, sige. Salamat."

"Bakit?"

"Wala, wala."

"Ako nga pala si Christian Rivas. Ikaw?"

"Death Harris."

Lumipas ang mga oras na wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Ni hindi ako nakapokus sa mga pinagsasabi ng prof namin.

"Death, 'wag mo sanang mamasamain... Pero, bakla ka ba?"

"Suntok, gusto mo?"

"Eh kasi, kanina kapa titig ng titig kay Francisco, eh. Ang lagkit pa ng mga tingin mo."

"Wala kanang pakialam. Tumahimik ka nga diyan. Dami mong satsat."

"Oh, eto na nga. Tatahimik na. Chill."

Sumapit ang uwian at eto ako ngayon, nakasunod sa kaniya na naglalakad patungo sa basement parking ng university. Magkatabi ang aming sasakyan, hindi coincidentally.

Napahinto ako sa paglalakad ng siya'y huminto at nagsalita.

"Bakit mo ako iniispiya? Sino ka?"

Sa halip na siya'y aking sagutin, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa kotse ko at binuksan ito.

"Hoy ikaw, sino ka? Ha?"

"'Wag mo akong mahoy- hoy. Ako si Death Harris. Ikaw? Sino ka?"

"Hindi mo ako kilala?"

"Kaya nga ako nagtatanong, diba?"

"Ako si Francisco Grande."

"Ah. Francisco Grande. 'Wag kang feeling. Kita mo naman siguro, diba? Magkatabi lang ang sasakyan natin."

"Ingat ingat lang pre."

"Ingat ingat din, pre."

Pagkatapos nun, pumasok na siya sa sasakyan niya at humarurot na paalis. Papasok nadin sana ako sa sasakyan ko,nang biglang may tumawag sakin.

"Dude!"

"Oh? Ano na naman?"

"Nakita at narinig ko kayong dalawa ni Francisco. Ang init ng eksena niyo, ah."

"Oh tapos?"

"Wala lang."

"Sige, uwi na ako."

"Sandali lang, dude. Baka pwedeng, makiuwi nadin ako sa inyo?"

"Loko ka ba? Ihahatid nalang kita. San ka ba nakatira?"

"Eh..." Sabi niya habang hinawakan ang batok niya. "Yun na nga, eh. Ako'y isang ulilang lubos na, Death. Wala na akong ina. Si erpats ko naman... Wala nadin. Nakulong kasi siya dahil sa  mga utang niya na dulot nang pagsusugal. Eh, dun sa kulungan, inatake siya. At lahat nang mga ari- arian namin, kinuha bilang pambayad. Mabuti nalang at nailigtas ko ang atm ko."

"Sino bang nautangan niyo?"

"Ang mga Grande."

Sa sinabi niyang iyung, agad akong napa- isip na pwede siyang tumulong sakin. Galit siya, eh. Galit na galit.

"Sakay na."

At sumakay na nga kaming dalawa.

"Salamat Death, ah?"

"Christian, sa oras na tumuntong ka sa tritoryo namin, pagmamayari kana namin. Hindi kana pwedeng umalis. At kung ano man ang malalaman mo sa mundo ko, tatahimik ka lang. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Oo, Death."

"Ngayon, ihihinto ko itong kotse ko. Bibilang ako ng sampu. Magdesisyon ka ng maayos, Christian. Sasama kaba talaga sakin? O aalis ka?"

Nagsimula na akong magbilang. Hindi padin siya kumikibo.

"9...10"

"Hindi ka lumabas sa kotse. Simula ngayon, pagmamayari kana namin."

"Alam ko."

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating nadin kami sa bahay.

"Wow! Death! Ang yaman mo!"

"Halika na."

"Saan?"

"May kailangan kapang harapin."

Naglakad na kami patungo sa opisina ni dad. Pinindot ko ang face detector na siyang nakakonekta sa monitor ni dad. Nasa kaniya din ang kontrol kung bubuksan ang pinto o hindi.

"Sino iyang kasama mo?" Tanong ni dad over the mic na sakto lang ang volume sa taong nakatayo sa harap ng pinto niya.

"Ah, kaibigan dad." At bumukas na nga ang pinto. Agad naman kaming pumasok ni Christian at umupo sa mga upuan.

"So?" Simula ni dad.

"Ehem. Ako po si Christian Rivas. At simula ngayon, pagmamayari niyo na po ako."

"Anong ibig sabihin nito, Death?"

"Dad, siya si Christian Rivas. Kaibigan ko. Ulila na po siya."

"Tapos?"

At nagsimulang magkwento si Christian kay dad tungkol sa buhay niya.

"At opo. Galit na galit ako sa mga Grande."

"Gusto mo bang maghigante, Christian?"

"Gustong gusto po. Gustong gusto."

"Death, sanayin mo na siya. Bukas nalang kita ipapakilala sa mundo ko, Christian. May extrang kwarto kami katabi sa kwarto ni Death. Siguro, pwede kana dun."

"Salamat po talaga."

"Death, anong mundo niyo? Tsaka, san mo ako sasanayin?" Tanong ni Christian. Papalakad kami papunta sa Gun station namin. Na kung saan ay doon kami magsasanay at siya'y mabibigyan ng baril. Meron nadin akong baril. At lahat ng mga ito ay lisensyado.

"Malalaman mo rin, Christian."

----

Kumusta? Hahahaha :* pasensorry na for some errs. ^.<\/

Death (ON HOLD)Where stories live. Discover now