CHAPTER TWENTY EIGHT

64 1 0
                                    

PABAGSAK na isinarado ni Beatrice ang pinto ng sariling silid niya. Dumiretso siya sa kama, mabigat niyang ibinagsak ang katawan roon. Masamang-masama ang loob niya dahil lang naman sa naging engkuwentro nila ng kanyang ama na si Don Vicenti.

Hindi niya matanggap ang mga inakusa nito sa lalaking mahal na mahal niya.

"A-ang sama mo Dad! Napakasama mo! Hinding-hindi mangyayari ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Dahil mahal din ako ni Rudny!"sigaw ng dalaga. Nanginginig na ang buong katawan niya sa labis na sama ng loob.

Sa ganoon naman siya  napasukan ni Rudny.

"Anong problema?"agad nitong tanong. Sa itsura nito'y tiyak ni Beatrice na kakabangon lang nito. Gulo-gulo pa ang buhok ng binata, boxer lang din ang suot nito sa mga sandaling iyon.

"W-wala..."nasabi ni Beatrice. Ayaw niyang ipaalam sa lalaki ang naging pagtatalo nila ng sariling ama sa opisina nito. Hindi niya gugustuhin na makarating sa binata ang mga pinagsasabi nito, ayaw na niyang bigyan ng anuman isipin ito. Lalo at isa sa mga pinuproblema nito ay ang tungkol sa nakatatandang kapatid niyang si Novice.

Lagi nitong pinupuntahan ang Kuya niya na kahit pagod na pagod na ito sa ilan mga business transaction nito ay hindi ito nawawalan ng oras para sa kapatid niya. Kaya nga, malaki ang pasasalamat niya at ganito ito magpahalaga sa kanilang magkapatid. Hindi katulad ng ama na tanging sarili lamang ang iniisip!

"C'mon tell me, kilalang-kilala kita. Ano ba iyon?"pangungulit nito na naupo sa tabi niya.

Sinulyapan naman ng dalaga ito, nasa mukha pa rin niya ang pag-aalangan na magsalita.

"Sweetheart kung ano man iyan, pakikinggan ko. Hindi ba't sabi ko wala dapat tayong lihiman na dapat ay magsasabi tayo ng totoo sa isa't isa,"wika pa ni Rudny na hinawakan pa ng masuyo ang magkabilang pisngi ni Beatrice.

Bumuka-sara naman ang labi nito. Hanggang sa tuluyan niyang sabihin dito ang nasa isip niya.

"K-kasi... Ruru, promise me walang magbabago kapag narinig mo ang sasabihin ko,"tugon ng dalaga.

"Of course, tell me what is it?"

"S-si Dad kasi, n-nalaman na niya ang t-tungkol sa atin. H-hindi ko alam kung paano niya nalaman n-na may nangyayari na sa atin. He keep telling na ginagamit mo lang ko, pagkatapos mo raw akong pagsawaan ay iiwan mo rin ako!"Hindi na napigilan ni Beatrice na napaluha na ito. Ewan niya, pero sobra siyang nasasaktan kapag dumadaan sa gunita niya ang eksena na iyon.

"Sweetheart... hindi iyan mangyayari I love you,"assurance ni Rudny na kinabig pa payakap ang babae. Tumugon naman ito.

"Sinasabi rin ni Dad na panay ang habol ko sa'yo na kahit kailan ay hindi ako seseryusuhin,"sumbong pa niya.

Napakuyom naman ng kamao si Rudny, hindi niya malubos maisip na magagawang sabihin pa iyon ni Don Vicenti sa anak nito.

"T*ng in*! sumusobra na ang tatay mo. Naguulyanin na yata siya, kapag hindi ako makapagpigil ay makikita niya kung gaano magalit ang isang Rudny Aragon! Kahit ama mo pa siya ay hindi ako mangingiming saktan siya dahil sa ginagawa niya sa inyong magkapatid!"banta ni Rudny na nagtagis ang bagang.

"Rud... huwag naman ganoon, i-intindihin na lang natin si Dad. Just promise me, no matter what ay mananatili ka sa tabi ko,"bulong ni Beatrice.

"Promise... ano man ang gusto mong hilingin ibibigay ko. Mahal kita,buong-buhay ko kaya kung ibuwis para sa'yo,"pangngako pa ng binata.

"Uy! ayuko ng ganiyan. If ever na manganib man ako ay hindi ko gugustuhin na isapalaran ang buhay mo,"nakapout na saad ni Beatrice.

Napahagikhik ito ng tuluyan dumapo ang mukha ng binata sa leeg niya. Nag-uumpisa na naman maglumikot doon ang bibig nito.

Mafia Boss Trapped (Season I) CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora