MFBF: Ninety-Five

239 22 11
                                    







I love you









Lezili's POV







Nagising akong namamanhid pa ang buong katawan ko. Nilibot ko ang paningin ko isang puting silid na kinalalagyan ko ngayon,  habang may nakakabit na samo't saring apparatus sa katawan ko



"OMG! Gising na si Lez!" Bahagya akong nagulat nang biglang sumigaw si Iris at agad na magsitayuan sila Jeff, Kate, Tita Erra at tito Jacob mula sa malaking sofa malapit sa may pinto





"I-i'll call the Doctor" naamadaling presinta naman ni Jeff bago patakbong lumabas nang kwarto






Ilang oras din ang lumipas matapos tanggalin nang nurse ang mga apparatus na nakakabit sa katawan ko, kasalukuyang kinakausap nila Tita Erra at tito Jacob ang Doktor habang kinakamusta naman ako nila Kate at Iris.



"Pinagalala mo kami alam mo ba yun ha?! Halos isang linggo ka ding tulog! Akala tuloy namin hindi ka na magigising!" Mangiyak ngiyak na sermon sakin ni Iris, hindi ko naman maiwasang mapangiti


"T*ng*na ka naman eh! Akala ko ba magiging okay lang ang lahat?! Bakit umuwi kayong mga bugbog sarado at halos mag aagaw buhay na ha?!" Emosyonal na dagdag naman ni Kate



"Si Nya? S-si Shawn? K-kamusta?" Medyo hirap ko pa ding tanong



"Wow ha! Buti pa sa kanila nagaalala ka, pero sa nararamdaman namin hindi!" Sabat naman agad ni Iris na syang sinuway ni Kate


"Manahimik ka na jan okay? Apaka OA mo din eh. Maayos naman na sila eh, Yun ang importante" saway sa kanya ni Kate

"Si Nya nagising na mga three days pagtapos nung nangyari, mamaya din makakauwi na daw sya since nakuhaan na sya nang statements. Si Shawn naman...hindi pa din nagigising, matagal din daw bago maghilom lahat nang sugat nya, yung iba nagka infection na nga daw eh...hindi pa din alam kung kelan sya magigising" sagot ni Jeff


"Lez...hija, how are you feeling?" Tanong naman ni Tita Erra matapos kausapin ang Doktor, tipid naman akong napangiti


"Ayos naman n-na ho" sagot ko





Nanatili pa kaming tahimik matapos ang ilang segundo nang may maalala ako





"S-si...Xynon...k-kamusta" pinilit kong umasa kahit na kitang kita ko kung pano sya nabaril...kung pano sya binaril...ni Louie



"He's fine, actually he already wake up few hours after the... incident. For now he's just asleep" biglang bumilis ang kabog nang dibdib ko nang dahil sa sinabi ni tito Jacob



"H-hindi pa sya patay?!" Hindi makapaniwala kong tanong. Nakangiti naman silang tumango sakin


"Oo! Sya pa nga ang nagbantay sayo dito kagabi eh! Kahit na sinabihan na nang Doktor na magpahinga muna, ayaw makinig! Gusto nya daw sya ang una mong makita pag gising mo! Eh pano to ngayon? Eh tinulugan ka naman!" Sagot naman ni Iris kaya bahagya kaming natawa


"P-pwedi ko ba syang puntahan?"  Tanong ko

"Mamaya na muna, kagigising mo pa Lang. Sa ngayon magpahinga ka na muna,mamaya pwedi ka naming samahan papunta sa kwarto nya"  sagot naman ni Kate kaya napatango naman ako




Matapos ang ilang oras na pagpapahinga at nag aya na agad akong pumunta sa kwarto ni Xynon. Hindi ko mapigilan ang kakaibang kaba at saya habang naglalakad, puno nang mga tanong at takot ang isip ko. Pero lahat nang yun ay nawala nang makarating kami sa kwarto nya


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now