71

54 3 4
                                    

ARIS POINT OF VIEW

"Anong nangyari sa batang ito? Nasobrahan ba ito sa saya o sa lungkot? Nagpakapagod ba ito o laya stress. Alam niyo namang masyadong mahina ang puso nito." My eyes are still close but I heard the doctor and mom talking. "Sinabi ko na sa 'yo na mas mabuting nasa bahay lang siya. Hindi niya kayang maging normal, hindi niya kayang mamuhay katulad ng iba. Hindi kaya ng puso niya."

Rinig na rinig ko ang sinabi ng doctor kay mama.

"Mas lalong hindi niya kakayanin kapag nasa bahay lang. Gusto ng anak ko na mabuhay ng masaya at bilang isang ina, I want my daughter to be happy," mom answered.

"Dilated Cardiomyopathy isn't a joke. I already told you the pros and cons. Alam ko namang gusto niyong maranasan niya ang buhay na nararanasan ng iba but she's the one who will suffer. Kawawa ang batang ito, alam kong marami siyang pangarap sa buhay. Sadyang nasa sitwasyon lang siya na hindi pwede."

I felt my tears running down on my cheeks.

I can't experience normal things, it's hurt so much that other people can do what they want. Yet here I am struggling how to survive while having this weak heart of mine.

"N-nak . . ." Napatingin ako kay mama. She's smiling but her smiles pain me.

Paano niya nakakayang ngumiti? Alam kong nasasaktan siya sa sitwasyon ko ngayon.

"Patawad, 'nak," she whispered while holding the palm of my hands.

I just smiled. Why she's saying sorry? It's not like she did something wrong.

"Ma, why are you saying sorry?" I asked her.

"Your course . . . pagod ka na ba d'yan? Iyan ba ang naging dahilan nito?" She asked me.

"No, ma. I want this course, though I want writing too but still I will choose and continue this course of mine. I want us to have a better life. Soon, ako mismo ang magpapatayo ng bahay natin," Paninigurado ko sa kanya. "'Yong hindi mo na kailangang magtrabaho para sa'kin. Para sa amin nina lola at lolo. Kaya wag kang mag-alala sa'kin. Kaya nito ma, kakayanin nito." Tinuro ko ang puso ko.

Kakayanin ko, kakayanin nito.

Life is not easy, but all you just need is time—your season where you will bloom.

//

Flowers Of Time (Inspired Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon