CHAPTER TWENTY NINE

53 2 1
                                    

MATAPOS maganap ang muntik-muntikan ng pagpapakamatay ni Novice ay mas lalo silang dumamay rito.

Sa lumipas na Buwan ay unti-unting tinulungan ng tatlo na makabangon ang binata.

Naisipan nitong magsimulang muli. Sinuportahan nilang tatlo ang binabalak nitong sisimulan na business ang "Novisual Images" isang digital team iyon. Iba't ibang proyekto ang iko-cover ng business nito. Gagamitin ng binata ang naitabi nitong pera sa personal bank account nito na hindi nakuha ng ama.

Naging mas busy ang bawat isa sa kanila, maging ang dalawa ay naging matumal ang pagkikita.

"Sweetheart... kailan ka pwedi? parang gusto ko ng magtampo. Mas marami ka pang oras kay Kuya,"nagmamaktol na saad niya mula sa kabilang linya.

Kasalukuyan siyang nasa printing machine, nasa opisina pa rin naman siya. Hapon na iyon at malapit ng mag-uwian, kaya malakas ang loob ni Beatrice na makipagdaldalan sa cellphone niya.

"Pasensiya na may pinapalakad din si Dad sa akin para sa Casino. Full load din ako nextweek,"dinig niyang sabi ng binata. Lalo tuloy nainis si Beatrice. Hindi niya maiwasan sumimangot at magdabog pa.

"Okay fine, sige na saka na tayo mag-usap may tinatapos pa akong trabaho."Hindi na niya hinintay na makapagsalita mula sa kabilang linya ang lalaki. Dahil tuluyan na niyang pinatayan ito ng tawag. Tuluyan niyang isinuksok sa suot niyang office blouse ang IPhone.

"Sino iyon? mukhang galit na galit ka?"pilyong wika ni Seth.

"Ahy! nandiyan ka pala. W-wala iyon sir,"pag-iwas ng dalaga. Muli niyang itinutok ang pansin sa ginagawa. Dahil sa kaabalahan niya sa pakikipag-usap kay Rudny ay hindi man lang niya narinig ang pagdating ng boss niya. Nakakahiya tuloy na naaktuhan pa siyang nagdadabog. Baka isipin nitong napaka-unprofessional niya.

"It's okay you can share with me. Still I'm your boss but you can always count me. I'm always a friend to you, ready to listen katulad ng dati,"bigkas nito na masuyo pang tinapik ang balikat ni Beatrice.

Tumango lang naman si Beatrice at pinilit na mangiti, sa ngayon ay sa sarilinin niya muna ang lahat ng  iyon.

Tahimik siyang naupo sa desk niya, malalim siyang bumuga ng hininga sa bibig. Nabaling ang tingin niya sa labas ng gusali, mukhang uulan ng malakas.

HALOS mabasa si Beatrice dahil sa pagsuong niya mula sa ulan sa labas ng mga sandaling iyon. Pinagpag na niya ang damit kahit paano ay maalis ang basa  roon. Nagmadali na siyang lumabas mula sa elevator. Naglakad na siya papunta sa direksyon ng pinto ng condominium unit ni Rudny.

Tuluyan niyang isinuksok ang susi sa keyhole at ipinihit pabukas iyon.

"Rudny! nandito ka ba?"pagtawag niya sa lalaki. Ngunit nanatiling walang sagot rito, parang kikirot ang ulo niya sa nakikitang kalat sa buong paligid niya ng mga sandaling iyon.

May mga bagay talaga na wala pa rin pagbabago. Katulad ng pagiging burara ni Rudny.

"Gosh! nakakatulog pa ba iyon rito?"bulong ni Beatrice sa sarili. Nagsimula na siyang magligpit at maglinis.

Halos isang Buwan na rin ang nakararaan magmula ng bumukod siya. Naisipan na niyang kumuha ng ibang unit. Akala niya noong sabihin niya iyon sa binata ay pipigilan siya nitong umalis, ngunit nagkamali siya. Sapagkat sinuportahan lang naman siya nito sa naging desisyon niya. Ikinatuwa naman niya iyon dahil ganoon ang gusto niya sa isang karelasyon. Iyong tipong suportado ka sa mga bagay-bagay.

Nang matapos siyang magligpit ay nag-order na siya ng pagkain. Naisipan na rin niyang mag-shower muna, dahil pakiramdam niya ay sobra siyang nanlalagkit.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now