CHAPTER THIRTY

61 2 2
                                    

UNANG gabi nila sa Hermosa Beach Resort. Katulad ng mga napuntahan na resort ay isa sa mga bagong bukas at dinadarayo ng mga tourists at bakasyunista ang Hermosa.

May puting buhangin, malinis na tubig, dahil iilang araw pa lang pagbubukas niyon ay hindi pa masyadong nagagalugad ng mga tao. Dahil sa labas lang ng Maynila ay madaling puntahan ang lugar.

“Hai there! Hindi ka ba nag-eenjoy?”tanong ni Camilla kay Rudny na kasalukuyan nasa terasa ng cottage na kinuha nila.

“I’m enjoying, see… gustong-gusto ko ang lasa ng beer nila rito saka tahimik pa. Malayo sa polluted na city at mataong lugar ng Manila,”tugon ni Rudny na itinaas pa ang hawak-hawak na bote ng beer.

“Talaga, eh, ba’t parang hindi naman. Ang mabuti pa’y tara sa labas, puntahan natin ang bonfire banda roon.”Turo ni Camilla sa karamihan ng tao kung saan kitang-kita sa pwesto nila ang ilang pagkukumpulan  ng mga taong nasa Hermosa Beach Resort.

Naramdaman ng binata ang pagyakap ng dalaga sa bukas na polo niya.Sa edad na kinse ay magandang-maganda na ang hubog ng pangangatawan  ni Camilla. Kung titignan ito ay hindi mahahalata ang totoong edad nito sa tunay na katawan nito.

“Saka na, dito na lang muna tayo,”tugon ni Rudny na pasimpleng iniiwas ang katawan mula sa pagkakayap nito.

“Bakit naman, hay! Naku hindi tayo nagpunta rito para magkulong lang dito sa loob ng cottage. Narito tayo para mag-enjoy right, you promise me na tutulungan mo ako kapalit din ng pabor na hinihingi mo,”nakataas ang kilay na sabi ng dalaga.

“Tama ka, pero matanong ko… alam mo bang pupunta sina Beatrice at Seth dito?”usisa ni Rudny na pinaningkitan pa ng tingin ang babae na biglang naglakad palayo sa kanya.

“N-no! kung alam kong narito rin sila ay bakit dito ko pa pipiliin na magpunta. Hindi ba’t iniiwasan mo si Beatrice,”pautal-utal nitong sagot. Naiiling naman ni Rudny ang ulo. Muli niyang ibinalik ang pansin mula sa labas.

“Sige na, lalabas na lang akong mag-isa. Kung ayaw mong umalis at mas gusto mong mag-stay dito, okay fine!”pagdadabog na ani ni Camilla at tuloy-tuloy na itong pumanaog pababa

Itinungga na lang ni Rudny ang bote ng beer na kasalukuyan niyang iniinom. Pinaunlakan ng binata ang paanyaya ni Camilla dahil humingi ito ng tulong niya.

Inaway kasi nito si Donya Clarisse,gusto nitong makalayo kahit saglit lamang sa paghihigpit ng ina nito. Kasabay niyon ay nakausap din niya ang ginang, nangako siya na aalagaan at susubaybayan muna nito si Camilla hanggang sa maisipan na nitong muling bumalik sa piling ng Donya.

Ibinaling niya ang pansin sa ibang direksyon sa labas at mula sa kinaroroonan niya ay kitang-kita niya ang paglalakad ni Beatrice kasama nito ang mag-amang Seth.

Ang balak niyang pagkukulong sa cottage nila ay hindi na niya pinanindigan dahil tuluyan na siyang naglakad palabas at sinundan sina Beatrice papunta sa bonfire.

AKMANG lalapit si Rudny sa tatlo ng may biglang yumakap sa kanya. Nang tignan niya iyon at nakita niyang si Camilla pala iyon.

“Your so sweet, hindi mo talaga ako natiis na hindi sundan dito huh!”kilig na saad nito.

“Camilla, lasing ka na. Tara na sa cottage.”

“No! ayuko! Hindi pa ako lasing. See… kaya ko pang makipag-sayaw.”Kasabay niyon ang paghalak-hak at pag-uumpisang umindak nito sa magaslaw na tugtugin na pinapatugtog ng DJ sa resort.

“Camilla!”suway niya rito na hinawakan na sa magkabilang balikat ito.

Akmang aakayin ng binata ito pabalik sa cottage nila ng bigla na lamang siyang itulak nito palayo.

Mafia Boss Trapped (Season I) CompletedWhere stories live. Discover now