5. Sakit

391 22 19
                                    

Cygnus' POV


"Hey brat! Naayos mo na ba yung mga ipapasa mong papel kay Cass for your ojt sa Hoshidas and C&C?" I rolled my eyes ng banggitin na naman ni Ceres yung mga badtrip na papers na kakailanganin ko for my ojt.


"You've already asked that for a hundred times! For Gods' sake! Nangaasar ka ba talaga?!" Naiinis kong tanong sakaniya.


"Hahaha! Chill sis. First day of school, wag kang magpakastress agad. I'm just telling you para hindi mo makalimutan. Tamad ka pa naman. Hahaha" Pangaasar pa niya sakin.


"Alam mo Ceres, kung wala kang sasabihing maganda, much better na manahimik ka na lang kasi nakakairita yung boses mo. Seriously." Sabi ko sakaniya sabay irap tapos kinuha ko na yung bag ko at susi ng kotse ko at lumakad na ako palabas ng mansyon.


"Sungit mo ngayon ah. Hahahaha. Be good to me my dear sister. Baka nakakalimutan mo, isa ako sa mga magiging instructor mo sa ojt mo. Baka mainis ako sayo at maibagsak kita." Nakangising habol pa nito sakin.


"Know what? Get lost!" Sabi ko na lang tapos ay hindi ko na siya pinansin. Nakakabwisit talaga kahit kelan ang Ceres na yan. Tsk. Hindi ko alam kung saan ba pinaglihi ng mommy yan eh. Nakakaletse.


Hindi naman ako galit sakaniya. Actually kasundo ko din yan sa mga kalokohan pero minsan ay mali, kadalasan talaga baliw yan eh. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw may malugi kaming business because of her. She's crazy. Really.


Nang makarating ako sa HCU ay nakabusangot na ako. Paano ba naman napakadami kong bitbit. Andame kasing papeles na kelangan para sa ojt ko. At syempre, hindi lang naman basta ojt ang gagawin ko, itetrain na din ako for managing our business. Nakakainis nga, ayoko pa talaga mag manage ng mga business namin pero I have no choice. Bilang isang Hoshida, kelangan kong maging responsable talaga. Hays. Buti pa yung iba kong kaibigan, they'll have their ojt out of the country. Tsk. Nakakainggit.


"Hey watchout!" Nagulat ako ng may sumigaw pero mas nagulat ako ng biglang may tumama saking bola mula sa kung saan. Saktong sakto ito sa ulo ko na naging cause ng pagsabog ng mga papeles na dala dala ko. Napaupo din ako at medyo nahilo talaga ako.


"Cygnus? Are you ok?" Nagaalalang tanong nung lalaki tapos ay inalalayan akong makatayo.


"What the fuck?! Hindi ka ba- -" nabitin ang pagsasalita ko nang makilala ko yung lalaking umaalalay sakin. Si Schyler Alfonso!


"Ikaw na naman?! Kahit kelan ang malas mo talaga sa buhay ko!" Sigaw ko tapos ay iniwas ko ang kamay ko sakaniya.


'Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya and besides your spaced out. Naglalakad ka ng tulala." Paliwanag pa nito habang nagkakamot ng ulo.


"At ako pa ngayon ang may kasalanan?!" Tinaasan ko siya ng kilay sabay pinameywangan ko siya. Madami nang nakatingin samin. Isa isa kong tinignan ng masama yung mga estudyanteng nakikiusyoso samin at umaalis naman sila dahil kapag hindi sila umalis, they're dead.


"Hindi naman sa sinisisi kita. Pero nakatulala ka kasi. Kung siguro hindi ka naglalakad ng tulala dito sa lobby edi sana hindi ka natamaan ng bola." Paliwanag pa din nito.

UNCONDITIONAL LOVEWhere stories live. Discover now