1. My Toy

686 41 31
                                    

Pierre's POV


*ring ring ring*


"Teka nga!!" Mahinang tulak ko sa babaeng kahalikan ko.


"Sino ba yan?! Istorbo naman eh!" Inis na humalukipkip ang babae habang nakatingin sa'akin.


Tinignan ko naman ang phone ko na patuloy pa rin sa pagriring. Mapakla pa akong napangiti ng makita ko kung sino ang caller.


Ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga laruan ko.


"O?" Malamig kong sabi pagkasagot ko sa tawag niya.


"Where are you?" Sagot naman ng nasa kabilang linya.


"Condo." Walang gana kong sagot.


"I'm going there now." Siya.


"K." Pagkasabi ko nun ay pinutol ko na ang usapan namin.


"Sinong tumawag?" Tanong naman ng babaeng kasama ko tapos ay dahan dahan siyang lumapit sakin at sinimulan akong halikan sa labi pababa..


"My toy." Walang gana kong sagot tapos ay ibinaling ko na ulit sakaniya ang buong atensyon ko.


Kasalukuyan na kaming nagiinit nang biglang magbell ang doorbell ng condo ko. Hindi namin iyon pinansin at patuloy kami sa aming ginagawa. Saglit na huminto ang bell kaya inakala ko na umalis na ang kung sino mang nasa labas pero parehas kaming nagulat ng hindi na tinigilan ng kung sino mang nasa labas ang doorbell ng condo ko.


"Shit!" Inis kong sabi tapos humiwalay na ako doon sa babae at kumuha ng towel para ipangtakip sa katawan ko.


"Sino ba yang istorbo na yan?!" Gigil namang sabi nung babae na halatang halata ang pagkabitin sa muka.

.

.

.

.

.

.

.

"What took you so long?!" Halata ang pagkainip sa muka ng babaeng napagbuksan ko ng pinto. Si Ceres.


"Hey Pierre sino bang nasa labas? Napakaistorbo naman!" Bigla namang sumabad yung babaeng kasama ko at umangkla pa ito sa braso ko. Kitang kita ko ang pagsingkit ng mga mata ni Ceres. Napangisi tuloy ako ng mapakla ulit.


SLAAAAAAPPPPPPP


Hindi na ako nagulat ng sampalin ni Ceres ang babaeng nakaangkla sa braso ko. Napaalis naman ang kamay nung babae sa braso ko sa pagkakasampal sakaniya. Iniwan ko sila sa harapan ng pinto at prente akong naupo sa couch upang panuodin sila sa pagaaway.


"What the hell?! How dare you to slap me?!" Gulat na gulat na tanong nung babae tapos ay akmang sasampalin din niya si Ceres ngunit mabilis siyang napigilan nito.

UNCONDITIONAL LOVEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant