“Siphayo” – 25
Upang mabati korin siya at pagtibayin ang aming pagkakaibigan
Na aalis akong malaman sa kanya na wala siyang galit sa kalooban
Hihingi rin sana ako ng tawad kung mayroon man akong kasalanan
Huwag lang maputol ng ganuon aming magandang pagsasamahan
Kahit di ko malaman kung meron ba siyang pagtingin sa akin
Hahayaan kong mahinog ng panahon ang damdamin namin
Subalit agad-agad na kaming umalis ng paaralan na iyon
At di na nakapag-paalam kay Jhing-jhing sa huling pagkakataon
Habang bumabagtas ang aming sasakyan pabalik ng Maynila
Ang puso ko’y tigib ng kalungkutan at tila na nga natutulala
Di kona makikita si Jhing-Jhing sa mahabang panahon
Wala rin akong address niya kung susulatan ko siya duon
Sa pagkakataon na iyon isang bagay ang aking napatunayan
Na ako pala ay nagsisimula ng umibig ng di ko namamalayan
Siya pala ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng puso ko
Kung kaya pala di maiwasan na ngayon ay nasasaktan na ako
Ganuon pala ang unang pag-ibig pag iyong naramdaman
Kahit ilan taon na ang magdaan ay di parin makalimutan
Kahit subukan mo pang ibaling ang isipan sa ibang kababaihan
Babalik at babalik parin ang isipan sa orihinal na pinagmulan
Ang tanong ko’y bakit napaka-aga yatang iyon ay maramdaman
Na mula pa sa elementarya ay tila gusto na nitong umagwan
Di ba dapat ay panay biruan at harutan lang ang mamamataan
Subalit agad na akong kinubabawan nito sa aking kainosentehan
Di kaya sa dahilang ako’y naghahanap ng nawalang pagmamahal
Na dapat ay sa tahanan na maramdaman subali’t ito’y bawal
Di ako pwedeng umasa sa sariling tahanan na ako’y mamahalin
Dahil mula pa sa aking kamusmusan ito’y naging mailap na sa amin
Para akong namamalimos ng pagmamahal sa ibang tao
Na mabigyan ng pag-asa at mga sugat ay mapaghilom nito
Mapunuan ng pagmamahal ang hungkag kong puso’t kalooban
At masilayan ang tunay na ngiti na di nagba-balatkayo lamang
Itutuloy ...
![](https://img.wattpad.com/cover/2592092-288-k340f6a.jpg)
YOU ARE READING
(Maikling Tulang-Salaysay) "Siphayo"
PoetryIsa itong kasaysayang tula na sumasalamin sa buhay ng isang nilalang na kapupulutan ng aral na maging matatag sa buhay at manatiling may pananalig sa Poong Maykapal na mayroon pa ring magandang mangyayari sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Sa kabil...